3RD PERSON POV SERYOSONG nakaharap si Cain sa kwarto na puno ng iba't ibang armas. Makikita dito ang pinakamalalaking baril hanggang sa pinaka maliit na patalim at explosives. Sa mga armas na ito ay namili sya ng mga dadalhin. Kumuha siya ng Smith & Wesson 29.44-cal. Magnum revolver, dalawang magazine, isang Cold steel chaos bowie knife para sa hand to hand combat. Ang araw na ito ang pinakahihintay niya, ang araw na maililigpit na niya ang gagong muntik nang pumatay sa kanyang mag ama. "Boss, we're ready to go." Habang naghahanda ay narinig niya ang boses ni Hellix mula sa labas ng kwarto. Inayos na niya ang mga dadalhin at mula sa suot na tactical gear ay pansing pansin ang matipunong hubog ng kanyang katawan na nababalutan ng maraming straps at pockets. Sa labas ng mansion ay nagt

