MB 66

2081 Words

3RD PERSON POV MATAPOS ang pagluluto, habang naghahayin ng pagkain ay tumayo si Josh para sana tawagin ang boss nila. "Teka Josh, wag mo nang gisingin si Cain. Hayaan natin syang makatulog," saad naman ni Gino habang pinipigilan na umalis si Josh. Napatango naman ito at bumalik sa mesa. Si Hellix naman na kasama ni Cain sa buong business trip ay halata ring walang tulog at pahinga. "Oo nga, pagod yung si Boss. Daig pa nun ang nurse na naka-duty nung nasa France kami," turan pa ni Hellix. "Bakit naman, Hellix? Ano bang nangyari?" takang tanong pa ni Gino dito. "Gising ba naman sya ng 72 hours, dere-deretso lang ang trabaho, walang tigil." napapailing na saad pa nito habang nakangisi sa kanya. Hindi naman nya alam ang trip nito at parang nang-aasar pa kaya nagkibit balikat na lamang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD