3RD PERSON POV PAGKAALIS ni Cain sa penthouse ay bumalik na sya sa opisina sa sarili nyang kumpanya para tapusin ang mga gawain doon. Marami mang ginawa ay kailangan nyang matapos ang lahat dahil susundin pa nya si Gino mamaya. Naiisip pa lang nya ang mukha nito ay napapangiti na sya at napupuno ng mainit na pakiramdam ang kanyang dibdib. Bago man ito para sa kanya ay handa siyang sumugal at subukan ang lahat makasama lang si Gino. Marami syang gustong gawin para dito tulad ng pagdi-dinner sa mamahaling resto, dalhin ito sa kanyang condo ganun din sa ibang bansa para makita nito ang pinakamamahal at idolo nitong Avenger cast. Ngayon pa lang ay na-iimagine na niya ang masaya at sabik na ekspresyon nito kung mangyari man iyon. Nagseselos man sya sa mga litrato ni R. DJ/Iron man sa kw

