3RD PERSON POV MATAPOS ang baking/ chikahan session ni Gino kay Rylan at Lily ay masaya silang umuwi dala ang ilang binake niya. Gusto kasi niya itong ipatikim kay Cain. Maaga naman silang nakauwi pero naabutan na nila si Hellix na nasa sala, ibigsabihin ay narito na din si Cain. "Hellix nasan si Cain?" tanong agad niya dito. "Si boss agad? wala man lang hi o hello?" pag dadrama pa nito, habang nakanguso. "Hello hellix, nasaan si Cain?" nakasimangot na saad niya dito. Tumayo naman ito at ginulo ang buhok niya sabay sabing nasa office si Cain. Tumango naman siya at nagtungo doon. Naabutan niya ito na nakaupo sa likod ng mahogany desk nito kaharap ang computer. "Cain!" masigla niyang sigaw dito pero hindi man lang ito lumingon. Nagtaka siya kaya naman naisipan niyang lapitan na lang

