3RD PERSON POV INABUTAN siya ni Rylan ng juice habang nakaupo sa sofa katabi ang dalawang bata sa living room. "Salamat, Rylan." "Wala yun, magpahinga ka muna," anito pa at naglakad na pabalik sa kusina ng bahay. Habang nakatingin sa palayong pigura nito ay bigla siyang nakaramdam ng mahinang kulbit sa balikat. "Ano yun?" tanong niya sa bunsong anak ni Rylan na si Dion. "Kelan po lalabas si Baby?" Napatawa naman siya ng bahagya sapagkat hindi niya inaasahan na itatanong iyon ng isang tatlong taon na bata. "Malapit na Dion, sana maging friends kayo kapag lumabas na si Baby," saad pa niya dito habang hinahaplos ang bilugan niyang tiyan. Gumuhit naman ang malapad na ngiti sa labi nito habang tumatango nang sunod-sunod. Hinawakan naman niya ang ulo nito at ginulo ang mahaba nitong buho

