MB 4

2244 Words
GINO POV NAPAKUNOT ang noo ko ng marinig ang malanding boses ni Elvin. "Wala ka na dun Elvin, kaya please hayaan mo na kaming makapaglunch ng maayos," mataray namang sagot ni Mars dito. "Hmm, sure Mars, wag ko lang malalaman na nilalandi nyang munti mong kaibigan si Sir Yuan kasi lalo kong gagawing empyerno ang buhay nya," pagbabanta pa nito kay Mars na parang wala ako sa harap nito. "Wag kang mag-alala, hindi naman MALANDI ang kaibigan ko, di tulad ng iba dyan," nakangiti pero bakas ang inis sa boses nang sumagot ito. Ngumiti naman si Elvin na halatang plastik bago umalis sa harap ng aming table. "Aishh, Ang KAPAL bhes ang lakas ng loob bakuran si Sir eh hindi naman nya jowa," hindi makapaniwalang turan pa nito ng makaalis na si Elvin. "Wag na lang nating pansinin Mars, kumain na tayo mamaya pa ay tapos na ang lunch break natin ay hindi pa tayo tapos kumain," ani ko naman dito saka ipinagpatuloy na lamang ang pagkain. "Nagbanta pa talaga, naku naku, ang sarap kalbuhin ng babaeng yun, aishh magsama sila ng kakambal nyang feeling gwapo, mukha namang ninja turtle," inis na turan pa nito bago sumubo ng pagkain. Napatawa na lamang ako dahil sa sinabi nito. Alam ng lahat na may gusto si Elvin kay Sir Yuan pero wala syang karapatan na magalit sakin dahil kung sakali ay wala akong inaagaw sa kanya dahil simula't sapul ay wala silang relasyon. Matapos maglunch ay nagsimula na ulit ang aming oras para magtrabaho, busy si Mars sa ginagawa nya habang ako naman ay ganun din. '5:25 pm na pala, malapit na kaming mag-out, 6:00 pm ang out namin eh,' isip-isip ko pa habang nakatingin sa oras na nasa aking computer. Bigla naman akong naramdam ng uhaw kaya tumayo muna ako para pumunta sa water dispender habang dala ang aking tumbler na walang laman. "Bhes Gino, san ka?" napalingon naman muli ako dahil sa pagtawag ni Mars. "Kukuha lang ng tubig Mars," ani ko naman dito, nagliwanag naman ang mga mata nito at mabilis kinuha ang tumbler sa kanyang table. "hihi please, kuha mo din ako." nagpapakyut na sabi pa nito sabay abot ng tatagyan ng tubig nya sakin. Napailing naman ako at tinanggap ang inaabot nya. Masaya naman itong nagpasalamat sakin at may flying kiss pa. Napatawa na lang ako at saka naglakad na papunta sa labas ng work station kung nasaan ang water dispenser at bench kung gusto mong magpahinga. Nang mapuno ko na ang tumbler ko ay uminom na rin ako saka ko nilagyan ang tumbler ni Mars, paalis na sana ako ng bigla akong napasigaw dahil may humigit sa buhok ko pabalik. "Aray! ano ba," galit na saad ko at humarap sabay tulak sa taong may hawak sa aking buhok. Napaatras naman sya dahil sa aking ginawa at tiningnan ako ng masama. "Malanding Bakla," galit na asik ni Elvin sakin. "Ang kapal din naman ng mukha mong bakla ka na ipagkalat na may gusto sayo ni Sir, naku malaman-laman ko lang talaga na nilalandi mo sya, hindi lang sabunot ang gagawin ko sayo!" gigil na saad nito sakin. Napangiwi pa ako dahil sa mahigpit na pagkakahawak nya sa braso ko. Pakiramdam ko din ay bumabaon ang matitilos nitong kuko sa aking balat. "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo," nasasaktang sagot ko naman dito at pilit na inaalis ang kamay nya sakin. "Wag kang magka--" "Is there a problem, Ms. Santillian and Mr. Dimapilit?" "Pasalamat ka, nakaligtas ka ngayon," bulong nito at mabilis na tinanggal ang kamay sa aking braso saka naglagay ng ngiti sa kanyang labi bago humarap kay Sir . "No Sir, nag uusap lang po kami." nagbabait-baitan na sabi pa nito kaya napatingin sakin si Sir. "O-Opo Sir," nakayuko ko namang sagot at dinampot ang mga tumbler saka nilampasan sila. Nagmadali na akong bumalik sa table namin habang nangingilid ang mga luha. 'Ano bang ginawa ko sa kanyang mali para tratuhin nya ako ng ganito, gusto ko lang magtrabaho ng maayos pero di ko pa ito makamit dahil sa kanila,' isip-isip ko pa pero ng malapit na ako sa aking table ay pinahid ko ang aking mata para di mapansin ni Mars. Tahimik kong ipinatong ang tumbler ni Mars sa kanyang mesa kaya napatingin ito sakin. "Okay ka lang Bhes?" tanong pa nito kaya ngumiti ako ng pilit at umupo na rin sa harap ng table ko. "Oo n-naman," ani ko dito. Kala ko maniniwala na sya dahil tumango na ito pero nagulat ako ng tusukin nya ang aking braso. "Anong nangyari dyan?" "Wala lang ito, Mars," mabilis ko namang sagot at ibinaba ang sleeves ng suot kong polo. "Hindi, mapula eh," makulit na sabi nito kaya wala akong naisip na ibang paraan kundi ibahin ang usapan. "Teka, tapos ka na ba sa ginagawa mo? malapit na tayong mag-out oh," ani ko at nanlaki naman ang mata nya bago sumagot. "Ala, hindi pa, kaunti na lamang ito," nagmamadali pang sagot nito sabay harap ulit sa computer nya. 'Hayss, hindi ko pwedeng sabihin ang ginawa ni Elvin sakin, kanina pang gigil na gigil si Mars dito baka mag away pa sila,' sabi ko pa sa aking isipan at tinapos na din ang aking mga gawain. Ag gusto ko na lamang ngayon ay makauwi na at makasama si Miggs. . . . . . "Bhes Gino! finally makakauwi na tayo," masayang sigaw pa ni Mars pagkatapos patayin ang computer nya. Napatango naman ako at inayos na din ang aking mga gamit. 'Salamat naman dahil natapos ko lahat ng aking gawain ngayon at hindi ko na kailangan mag over time.' "Yes naman, sa wakas at nagkasabay na din tayo sa paglabas ng office. Lagi ka kasing nag oover time," saad ni Mars habang pasakay kami ng elevator pababa. "Oo nga, namiss ko na ding umuwi ng maaga," Naging mabilis ang pagbaba namin kaya nakapunta agad kami sa ground floor ng building. Sabay din kaming naglakad palabas at nakita pa namin na naghihintay na si Kevin sa may parking lot sya ang long time boyfriend ni Mars. "Loves at Gino, good evening," magalang na bati pa nito samin, maligaya namang lumapit si Mars dito at humalik sa labi nito. Ngumiti naman ako at bumati pabalik dito at nagpaalam. "Hey kevin, mauna na ako sa inyo ha," sabi ko pa dito at kumaway sa kanila. "Byee din Bhes, ingat ka," rinig ko pang sigaw ng mag jowa sa sakin kaya lumingon muli ako at kumaway. Nag intay pa ako ng ilang minuto sa harap ng building at nang may dumaan na taxi ay sumakay na ako. Sinabi ko ang address ko sa driver at sumadal ng maayos sa malambot na upuan ng taxi. 'Pakiramdam ko ay x3 ang pagod ko ngayong araw dahil sa mga nangyari kanina,' isip-isip ko pa habang hinahaplos ang mahapdi kong braso na bakat pa din ang kuko ni Elvin. Habang nagpapatuloy ang aking byahe ay hindi ko maiwasan na di mapatanaw sa labas ng bintana ng taxi. Nasa may baywalk na pala kami at tanaw na tanaw ko ang sunset, bigla na namang bumalik sa aking isipan ang aking panaginip. Nahuli ko na lamang ang sarili ko na pababa na sa taxi. Hindi ko alam kung bakit ako pumara at bumaba dito. Napatingin pa sa sakin ng kakaiba ang driver dahil alam nyang medyo malayo pa ang address na ibinigay ko mula sa lugar na ito. Nagbayad naman ako ng tama sa kanya kaya balewala na lamang itong umalis. Ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad palapit sa railing na gawa sa bato. Rinig na rinig ko ang malakas na tunog ng alon at ang maalat na amoy nito. Medyo masarap nang langhapin ang simoy ng hangin dito dahil hindi na gaano kadumi ang dagat dahil maraming mga organisasyon at mga grupo na nagtutulungan sa paglilinis dito. Nang mailibot ko ang aking paningin sa paligid ay napansin kong marami na ding mga tao dito sa baywalk, mga bata, pamilya at karamihan ay mga couple na dito nagdesisyon na magdate. May mga iba't ibang tinda naman dito kaya wala silang problema sa pagkain, popcorn, balot at iba pa ay available dito. Isama mo pa ang magandang tanawin. Ang naghahalong kulay orange at asul sa kalangitan habang lumulubong ang araw ay talagang nakakapagpatanggal ng stress at sama ng loob. Ang malakas na hangin na dumadami sa aking katawan at mukha ay nagsisimula ng lumamig kaya napapangiti ako, hindi ko na nga din napansin na naipikit ko na pala ang aking mga mata habang dinadama ang paligid. 'Hayss, ito talaga ang kailangan ko,' isip-isip ko pa habang napapahinga ng maluwag. "Ayyy Pogiiii, 1,000? ano join kana sakin?" Ayt. bigla akong napamulat dahil sa malakas na boses na narinig ko sa di kalayuan. 'Syempre, hindi rin nawawala ang mga p****i at callboy dito,' sabi ko pa sa aking sarili bago humarap sa pinanggalingan ng MGA boses. Sa di kalayuan sakin ay may napansin akong matangkad na lalaki na pinalilibutan ng mga bakla at babae. Para silang nasa auction kung magpataasan ng presyo kung sino ang makakapag uwi sa lalaking ito. "Hey pogi!! 1,500?" sabi ng isang babae habang nakikipagsiksikan sa ibang buyer ng lalaking ito. "2,000, gwapo sige na!!!" nagmamakaawa pang sabi ng isang bakla habang hawak na ang pera. "Nope 2,500!! akin ka na Pogi," sabi naman ng isa. Napabuntong hininga naman ako habang pinapanuod ko sila. "Kala ko pa naman ay makakapagrelax na ako dito," bulong ko pa sa aking sarili. Iiwas na sana ako ng tingin nang bigla namang tumingin sa aking dereksyon ang lalaking callboy at nagkasalubong ang aming mga mata. TUGS !!! 'Ano yun?' tanong ko pa sa aking sarili sabay hawak sa aking dibdib. May kung anong meron sa kanya na kahit anong iwas ko ay di ko maalis ang mata ko sa kanya. Ngumisi pa ito sakin at naramdaman ko na nag-init ang aking pisngi dahil sa kanyang ginawa. Pilit kong inalis ang paningin ko sa kanya at ibinaling na lamang sa medyo madilim ng kalangitan dahil lumubog na ang araw. 'Goodness!!! No no no, walang ibigsabihin yun, gawa lang ito ng mga sinasabi ni Mars dahil sa Callboy at one night side na yan,' sabi ko pa sa aking sarili at patuloy na ihahaplos ang aking dibdib, sa tapat ng aking puso. Napabuntong hininga ako dahil sa mga iniisip ko. 'Siguradong dulot lamang ito ng pagod at stress, mukhang kailangan ko ng umuwi para makapagpahinga,' sabi ko pa sa aking sarili at tumalikod na para bumalik sa may kalsada para sana sumakay ulit sa taxi. Pero bago ako makalayo ay napasilay ulit ako sa gawi kung nasan si Mr. callboy. Napansin ko na wala na sila doon ibig sabihin ay may nakabili na sa kanya. 'Bwisit ka Gino, bakit parang malungkot ka pa?' parang baliw na pagsesermon ko sa aking sarili. Napakamot na lamang ako sa aking ulo habang naghihintay sa tabi ng kalsada. 'Nababaliw na ata ako?' ----------------------------- Lumipas ang ilang araw mula ng pumunta ako sa baywalk. Pilit ko mang inaalis sa aking isipan ang tungkol sa callboy na iyon ay palagi pa rin itong bumabalik sa aking isipan para kulitin ako. Napapansin na nga rin ni Mars na lagi akong may iniisip, dahil nahihiya ako sa kanya ay hindi ko ito maikwento. Si Elvin at Eldran ay ginawa nang career ang pang bubully sakin kapag nakakahanap sila ng pagkakataon. Dahil marami silang mga kaibigan ibigsabihin nun ay marami din silang kasabwat. Minsan tanda ko pa noong isang araw, pag uwi ko ay napansin ko na mabigat ang bag ko. Pagbukas ko nito ay puno ito ng basura, kahapon naman ay nakita ko na sinisira nila ang tumbler ko sa habang niyayapakan ito. Hindi ko na alam kung paano pa mag aadjust para lang hindi ako mapuno sa kanila. Para silang mga bata, ang mga ginagawa nilang pambubully sakin ay gawain lang ng elementary student. 'Baka naman ang capacity ng utak nila ay pang elementary lang kaya ganun,' sabi pa ng aking utak kaya napangisi na lang ako. Sobra ko na ngang iniiwasan si Sir Yuan para hindi na ako pag-initan ni Elvin pero mas nagalit ata ito dahil nalaman nya na ako ang kasama ni Sir sa Z corporation para sa susunod na conference. At ang tinutukoy kong conference ay ngayon. Naghahanda ako ng mga dadalhin ko para doon. "Bhes Gino, good luck," masiglang sabi pa ni Mars kaya napangiti ako at mesyo na pawi ang kaba sa aking dibdib. Nagdala ako ng isang notepad at ballpen para makapagtakenote ako ng mga mahahalagang parts ng presentation. "Mr. Dimapilit." Mabilis na napatingin ako ng marinig ko ang boses ni Sir. Tumango naman ako sa kanya ay sinabi na susunod na ako. "Ayiee Bhes, Date na ba ito," natatawa pang sabi nito habang inaasar ako. Napailing na lamang ako sa kanya at nagpaalam na. Sumunod ako kay Sir pero di ko na ito na-abutan, mukhang nakasakay na agad ito sa elevator. Habang hinihintay ko na magbukas ang elevator ay bigla ko naman nakita si Elvin na palapit sakin kaya napadasal talaga ako na sana'y bumukas na agad ito. "Hoy bakla!!!" sigaw pa nito habang palapit sakin. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa takot sa kanya, napahinga ako ng maluwag ng bumukas ang elevator at hindi na nya ako inabot pa. 'Goodness, ikamamatay ko ata ang babaeng iyon,' isip-isip ko pa at napaupo sa sahig ng elevator dahil sa panghihina ng aking tuhod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD