Chapter 53 *Vanessa Martinez* Nakatitig siya sa’kin habang tumutugtog ng gitara. Huminto yata ang t***k ng puso ko nang magsimula na siyang kumanta. “Ikaw na ang may sabi, na ako’y mahal mo rin. At sinabi mo, ang pag-ibig mo’y ‘di magbabago.” Doon pa lang sa unang linya ng kanta, tinamaan na ako. Oo, sinabi kong mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Pero hindi naman ‘yun nagbabago. I still love him. “Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit, ika’y lumalayo. Puso’y laging nasasaktan ‘pag may kasama kang iba.” Nakatitig lang siya sa’kin habang kumakanta. Parang may mainit na humaplos sa puso ko nang marinig ang boses niya. Tagos sa puso habang binibigkas niya bawat kataga. Humakbang pa siya palapit hanggang nasa harapan ko na siya. Hindi pa rin nawawala ang paninitig niya sa akin habang

