Chapter 16 *Vanessa Martinez* Lumabas saglit si Ma’am Melissa at nagpaalam na bibili ng makakain. Naiwan kaming dalawa ni Rafael dito sa kwarto. Hinawakan niya ang kamay ko at tinitignan ang mga sugat ko. Bigla naman akong nakuryente dahil sa paghawak niya sa akin. May kakaibang hatid sa akin ang pinapakita niya ngayon. Nasa mga mata niya ang awa at galit. Hindi ko alam kung para saan ang galit na ‘yon. “Bakit ka umalis? Saan ka pumunta? Umuwi ako sa bahay, wala ka. Hinintay kita para sabay tayong kumain. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin.” Nag-aalala niyang wika habang sinusuri ang mga sugat ko. Umigting ang panga niya nang masilayan ang paa kong nakasemento. Bigla namang nagkagulo ang mga kulisap sa tiyan ko, ang puso ko sobrang lakas na ng t***k, lalabas na yata sa dibdib ko. G

