Nakatitig lang si Alarik kay Alrick na ngayon ay mahimbing na natutulog. Nakaupo siya sa upuan sa tabi ng bedside table at doon nagkakape. Si Alrick naman ay nakahiga sa kama niya. Napangiti pa siya ng mapansing ngumingiti ang sanggol kahit natutulog. Napakunot noo pa siya ng mapansing nakita na niya ang ganoong ngiti ng sanggol noon. Hindi niya malaman kung sa television o sa litrato. "Tamar," wala sa loob niya na banggitin ang pangalan ng dalaga. Pero kusang lumabas sa kanya. "Minahal naman talaga kita ng sobra, pero bakit mo ako pinaglaruan?" tanong niya saka napabunting hininga. Napatingin na lang muli siya kay Alrick na wari mo ay dumedede kahit wala naman. Napahawak siya bigla sa sentido ng biglang kumirot iyon. Ilang araw na rin siyang puyat dahil sa pag-aalaga sa sanggol. Pati

