"Lush, anak?" Boses iyon ng kaniyang inang si Grace sa telepono.
Kasalukuyang nag-aayos ng mga papeles si Lush para sa kanilang clothing factory. Maraming inangkat ngayong mga produkto at kailangang asikasuhin. Ganito niya iginugugol ang sarili.
Bilang isang anak na ulila sa ama, ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang ina. Siya ang humawak ng kanilang kompaniya at patuloy na pinapalago ito. Wala siyang hindi ibinigay sa kaniyang natitirang magulang.
Bawat trabaho sa opisana ay dapat pulido. Matinik siya sa mga empliyado, ayaw niya ng mga palpak na trabaho. Nanggagalaiti rin siya sa mga parang walang pinag-aralang mga tao, ayaw niya sa mga hindi nag-iisip.
"Mommy? Napatawag ka?" Tanong ni Lush habang nagnababa ng mga reports. Nasa kabilang tainga niya lang ang telepono.
Kahit pa may sekretarya siya, gusto niyang kapag ang magulang niya na ang tatawag, sa kaniya na agad ito didiretso. Kahit pa maraming ginagawa, kaya niya iyong isantabi lahat.
"Uuwi ngayon ang mga kuya mo. Uwi ka agad sa bahay, ha?" Malumanay na pakiusap ng ginang.
"Mom marami pa po akong trabaho?" Pagdadahilan ng anak.
"Sabi ko naman sa'yo hayaan mong tulungan ka ng Papa Arthur mo. Hmp, please? Ngayon na lang ulit kayo magkikita ng mga kapatid mo, oh—ang huling kita niyo pa ay noong kasal namin ng Papa mo."
"G-Gawan ko na lang po ng paraan. I'll text you if hindi po talaga kaya. I'm sorry, Mom." Naging payak din ang sagot ng lalaki.
"Lush Artemio?! Please? Kahit ngayon lang?" Mariing pangungusap ng ina.
"Ma, Lush Villadiego. Hindi na nga ako nagreklamo noong magpakasal ka. Kahit para sa sarili ko lang. Ayokong kalimutan si Daddy." Seryoso niyang tugon. Muntikan niya pang mapunit ang hawak na dokumento.
"Umuwi ka mamaya. 'Yun lang naman ang lagi kong hinihiling sa'yo eh. Please? Para kay Mommy?" Paggamit ng huling alas ni Grace.
"Tsk. Hay buhay—sige na po." Bumigay na rin si Lush sa mapilit na ina.
"Ay! Talaga?! Sige ah! Umuwi ka agad nang maaga! Drive safely! Mwuah!" Biglang gumalak ang kaniyang mommy. Pinatay na rin nito ang tawag.
Kahit pa ayaw niya, kung ang nanay niya naman na talaga ang usapan ay hindi niya kayang palungkutin at hindian ito.
Sa katunayang nga niyan ay kahit may kaunting pagkadisgusto man siya sa bagong asawa ni Mary Grace ay kinimkim niya pa rin ito. Alam niya kasi kung papaano nagdusa ang mommy niya matapos pumanaw ang kaniyang ama.
Lahat ng gusto ng kaniyang ina ay ibinibigay niya. Wala siyang ginawa na makakapagpasama ng loob ng kaniyang mahal. Ito na lang ang sandigan niya, kanino pa ba niya iaalay ang lahat ng meron siya?
・・・
"My? Nandito na po ako." Walang buhay niyang tawag sa mga tao sa loob ng kanilang mansiyon.
Hindi rin talaga napigilan ni Lush na sundin ang ina. Mabait siyang bata at maganda ang pagpapalaki sa kaniya. Kung papaanong maaruga ang kaniyang mga magulang ay ganoon din siya sa mga ito.
Huli man noong nagsukli na siya sa mga ginawa ng kaniyang magulang, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Ibinubuhos niya ang lahat, lahat-lahat.
"Sabi ko na eh! Hindi ako matitiis ng Lush ko! Pasok, anak! Sakto lang ang dating mo dahil nandito na rin sila!" Magiliw na bati ni Grace at saka humalik sa pisngi ng binata.
Pumasok na si Lush sa malaking bahay nila. Ang totoo niyan ay hindi na siya tumitira dito simula noong mag-asawa ang ina. Idinahilan niya na lang na gusto niyang matutong mag-isa pero ang totoo ay ayaw niya lang talaga sa lalaki nito—pinapahalagahan niya kasi ang tunay niyang ama.
Ganoonan ang kaniyang pananaw, kapag inaaya naman siya ng ina para bumalik ay umuuwi rin naman siya. Mapilit talaga ang ginang at gustong manatili na lang siya sa kanilang mansyon pero iyon lang talagang bagay ang hindi niya maibigay.
"Kuya Lush!" Sigaw ng batang babae. Matinis ang boses nitong umagaw sa kaniyang pansin.
"Lush! Kamusta ka na!" Ang pangalawang anak sa magkakapatid. Masigla ang tono ito at punong-puno ng pagkasabik.
"Lush." Bati ng panganay ng kaniyang stepfather. Payak lang ang tugon nito.
Hindi lingid sa kaalaman niya na may pamilya na ang kaniyang pangalawang ama. Tatlo ang anak nito sa unang asawa at lahat ng iyon ay laking ibang bansa.
Noong kasal lamang niya nakita ang mga ito. Pinag-isa talaga silang apat ng kaniyang mommy—wala naman siyang nagawa kaya nakisama na lang siya sa gusto nito. Isa pa, okay rin naman silang kasama. Lalo na ang pinakamakulit at bibo na bunso.
Si Pancho ang panganay. Matanda ito sa kaniya ng apat na taon. Malaki ang bulto ng katawan at maawtoridad. Tigasin din at lalaking-lalaki. Magaling din ito sa business na sumusunod sa yapak ng ama.
Si Peter ang ikalawa. Matanda lang siya ng isang taon dito. Malaki ang katawan at may magandang pack ng abs. Kung ang kuya niya ay malalaki ang mga braso, siya naman ay maganda ang troso. Kabaliktaran din siya ng kuya niya, masigla ang lalaki hindi katulad ng nakatatanda—pero minsan ay nagseseryoso rin ito. Tawag din sa kaniya ng mga kapatid ang ama ay Pedro.
Si Princess ang bunso. Anim na taong gulang pa lang. Ang mga kuya niya lang ang nag-aalaga sa kaniya dahil na rin ang ama nila ay naiwan sa Pilipinas. Bibo ito at matatakutin. Matalino rin ang bata at may aking ganda. Paborito ito ni Lush na kausapin.
"Anak, tara na! Kain na tayo!" Masayang bati ng kaniyang stepfather.
Si Protacio Arthur ang pangalawa niyang ama. Sa kaniya nagmana ang mga binatilyo niyang anak. Kahit nasa 50 na ang edad nito ay matikas pa rin. May bigote ito at hikaw sa kaliwang tainga. Malinis ito sa katawan at maalaga kaya naman maganda pa rin ang kutis at balat.
"Welcome back mga Anak!" Sabay na bigkas ng kaniyang ina at ama. Nagpalakpakan pa silang lahat.
Palakpak sa muling pagbabalik ng tatlong magkakapatid at pagkagalak sa muling pagbisita ni Lush. Masaya ang bawat isa, nagkakatuwaan.
Pero sa kanilang lahat, silang dalawa lang ni Pancho ang payak. Simple at sopistikado. Tuwid lang na nakaupo at matikas lang na gumagalaw. Kahit pa nililikot at kinukuwentuhan siya nina Princess at Peter, tatango-tango lang siya at ngingiti.