Flash back: Matapos na maihatid ni ginang helen si andrea sa kuwarto ay pumasok na ang dalaga sa loob. Dahil naalala niya ang kanyang ina ay hindi mapigilan ni andrea ang pag iyak. Hindi na nagawang buksan ng dalaga ang aircon ng kuwarto, o anumang maaring pampalamig. Naka tulogan niya na ang pag iyak. Nang maka ramdam siya ng init ay naalipungatan siya at hinubad ang kanyang suot na damit. Hindi na niya kasi kinaya pang bumangon mula sa pag kakahiga. May dalawang oras ang naka lipas ay pumasok naman si nicko ng mismong kuwarto na iyon. Hindi niya napansin ang natutulog na dalaga dahil pagka pasok niya ng kuwarto ay kaagad niyang pinatay ang ilaw at dumiretso na sa kanyang kama. Nang maka higa ang binata sa kanyang kama ay dinampot niya ang remote control ng kanyang aircon na naka

