Luhaan ang dalawa ng mag tagpo sa harapan ng altar. Hawak kamay silang humarap sa Paring mag kakasal sa kanila. "you may now kiss the bride.." Saad ng pari kay Nicko. Tapos na ang kasal ay hindi parin makapaniwala si andrea na buhay si nicko. Hinalikan siya ng binata sa kanyang labi. Habang magkalapat ang labi ng dalawa ay narinig nilang nag papalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan. Nang mag hiwalay ang kanilang labi ay niyakap pa siya nito ng mahigpit. "congratulations to both of you!.." Bati sa kanila ni Ginang helen pagka lapit palang nito sa kanilang dalawa. Yumakap ito sa dalawa. Humalik naman sa pisngi nito sina andrea at nicko. "salamat mommy.." Halos sabay na saad ng dalawa sa ginang na noo'y punong puno ng luha ang mga mata nito. "bakit po kayo umiiyak mommy?"

