Chapter: Fourty-nine

1050 Words

Gusto pa sanang kausapin ni andrea si mang delfin, ngunit mas pinili niya nalang na manahimik muna. Baka kasi maka istorbo pa siya sa pag mamaneho nito, at isa pa ay alam niyang masama ang pakiramdam nito. Makalipas ang halos isang oras ay narating din nila ang lugar kung saan sinasabing nilipat ni ginang helen si nicko. May kalayuan din pala ang lugar kaya siguro nag mamadali si mang delfin kanina. "Mang delfin may libingan po pala dito? Ang galing din ng naka isip nito noh.. Nag tayo sila ng libingan dito, para ang mga taong papasyal sa puntod ng mga mahal nila ay makakapag swimming na rin.. Ang galing!" Hindi maiwasan ni andrea ang humanga ng husto sa ganda ng paligid na kanyang nakikita. Napansin niyang hindi nag sasalita si mang delfin sa kanyang likuran. Nauna kasi siyang bumaba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD