Kinabukasan muling maagang nagising si andrea upang mag luto ng pagkain nila ni nicko. Halos ito na ang naging daily routine niya. Masaya siya dahil pakiramdam niya ay nasa bahay lang siya nila. Na-miss niya kasi ang pag luluto. Halos naka hain na ang lahat ng niluto niya ng lumabas ng kuwarto si nicko. "good morning!" Bati nito sa kaniya. "good morning din! Halika na kain na tayo.." Tugon ni andrea dito. Agad na umupo sa upuan si nicko. Matapos na mag timpla ni andrea ng kape nilang dalawa ay umupo na rin ito sa upuang nakaharap kay Nicko. Napansin ni andrea na hindi pa kumakain si nicko, samantalang siya ay naka dalawang subo na. Naka tingin lang ito sa kanya habang kumakain siya. "bakit hindi ka pa kumakain? Hindi ka ba kumakain ng niluto kong ulam ngayon?" Tanong niya sa b

