Dahil mas gusto pang maka sigurado ni andrea kung talagang mahal na nga niya si nicko ay nag paalam siya sa binata na aalis na muna siya ng isang linggo. Isa pa ay buo na ang kanyang loob na kunin na sa kanilang tiyahin ang kanyang kapatid na si Dominic. Kailangan ay maasikaso niya muna ang kalagayan nila ng kanyang kapatid, bago ang kung anumang nararamdaman niya para kay nicko. Nandiyan lang naman si nicko at makakasama niya parin naman ito sa trabaho. Pero ang kaligtasan ng kanyang kapatid ay hindi niya masisigurado habang nandoon ito sa kanilang tiyahin nakatira. Naka usap niya kasi ulit ang kanyang tiyahin at sinabi nitong nag layas na naman daw si Dominic. Kaya kailangan niya na talagang kunin ito sa kanilang probinsya, bago pa ito tuluyang mapa hamak. Balak niya na kasing bumil

