His Ruthless Temptation Kabanata 24 MULING BUMALIK sa kanyang walk-in closet si Calantha nang mapansin na may nakalimutan siya. From her eyewear collections, isang Bvlgari sunglasses ang napili niya bilang panakip sa kanyang mga mata na halatang nangingitim ang paligid gawa ng walang sapat na tulog. Sabado. Nakapangako siya sa kanyang pamilya na sasama siyang ihatid ang mga ito sa Macalelon at katulad ng gusto ni Nanay Tonya ay isasama rin niya si Drystan. Gusto ni Nanay Tonya na dalhin ang bata sa lugar kung saan siya nagmula. At pabor din siya sa ideyang iyon. She doesn't feel like staying in that mansion gayong malayang nakakagala roon si Favru. No’ng gabi ng kanyang engagement party ay nalaman niyang doon ito pinatuloy ni Donya Dorothea. Sa guestroom ito at ang isipin na kasama

