His Ruthless Temptation Kabanata 28 KAKAIBA ANG gising ni Calantha sa umagang iyon kumpara sa mga nagdaang araw. Dahil iyon sa naroon sa kanyang tabi si Favru to warm her and her bed sa nagdaang gabi. Iminulat ni Calantha ang mga mata ngunit kaagad din siyang pumikit ulit nang mapuna ang mainit na palad ni Favru sa kanyang puson. She felt like sobbing habang banayad na hinahaplos ni Favru ang bahaging iyon ng kanyang katawan. Nag-uumapaw ang ligaya sa puso niya. Ang isang braso ni Favru ay nasa ilalim niya at nagsisilbi niyang unan. Katunayan ay hinihintay lamang niya na dumaing si Favru kung nangangalay na ba ito ngunit tahimik pa rin ito sa kanyang likuran. He was spooning her. Kung gaano na ito katagal na gising ay hindi niya masabi. Naramdaman ni Calantha ang pagdampi ng halik

