Gwynonah Pagtapos namin mag-drama sa beach ay dumiretsyo na kaagad kami beach house ni Damon at nagpaalam sa Lolo at Lola ni Damon. Pagkauwi namin ay nagpahinga nalang kami sa kwarto naming dalawa and I remembered how many times he said 'I love you' to me. Bumangon na ako at nakita ko si Damon na nasa gilid ko ay natutulog. Hinimas ko ang mukha niya dahil sa sobrang gwapo. Hindi ko aakalain na ang lalaki na 'to matagal na pala ako mahal. Dahan-dahan na ako tumayo para pumunta sa kusina, gusto ko sana siya ipagluto ng breakfast. Naabutan ko si Nay Elda na nasa kusina. "Nay Elda! Magandang umaga!" I smiled. "Aba mukhang masaya ang anak ko ngayon ah?" Natawa nalang ako sa sinabi niya. Masaya talaga ang araw ko dahil sa pag-amin ni Damon saakin kahapon. "Ipagluluto ko na kayo ng agahan."

