Gwynonah Walang araw ako hindi umiyak dahil sa sinapit ko kay Damon. Ako'y nasasaktan pa rin sa pagkawala ng anak ko sa sinapupunan ko. Kahit dugo pa lamang siya, ramdam ko pa rin ang kaniyang puso. Ngunit ang kinalulungkot ko lamang ay si Damon na mismo ang tumapos sa buhay ng una naming anak. Isang linggo dumating. Hindi pa rin ako makapag-move on sa nangyari. Lagi ko pa rin hawak-hawak ang tiyan ko. Minsan sa tuwing gabi ay hindi ako makatulog ng maayos dahil napapanaginipan ko ang nangyari saakin. Bilang isang ina, masakit mawalan ng anak. Sobrang sakit. Sobra ko nang minahal ang anak ko. Tapos may plano na ako para sa kinabukasan niya kaagad. Hindi ko man lang nalaman ang gender ng anak ko o kaya nahawakan man lang. Hindi na rin ako kumakain dahil ayaw ko. Nagdadalamhati ako sa s

