Gwynonah Matagal muna ako tumitig sa salamin, hindi ko alam kung bakit lagi ko tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. Para bang hindi ako ito, parang may kulang saakin. Minsan nakikita ko ang sarili ko na humahawak sa impis kong tiyan, ramdam ko na parang nagkalaman ito dati. Ewan. Sobrang gulo nitong nararamdaman ko. Mas lalong nagpagulo na may vision ako nakita nung dapat niya ako sasampalin. At sobra akong takot na takot na masaktan kaya nanginig ako sa takot. Mayamaya'y may kumatok kaya bumalik ako sa katinuan ko. Si Haydes ay bumalik ulit sa kaniyang trabaho dahil sumaglit lamang siya rito. Pero tinatawag niya na designer ko. Dapat sasamahan niya ako ngayon, kaya lang muling tumawag sakaniya. Talagang hindi niya maiwan ang trabaho niya. "Pasok. Bukas 'yan." Untag ko. Tapos bum

