Gwynonah Ngayon ay nandito na kami sa tapat ng venue. Napahanga ako marahil sobrang laki ng gusali. Tapos maraming tao na nasa paligid pati na rin ang mga sasakyan. Nung kami naman ang baba para sa red carpet, nauna bumaba si Haydes at binigay ang susi sa butler. Pumunta siya saakin at pinagbuksan ako ng pintuan. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti nung hinawakan ko kamay niya. Pagkatapos ay bumaba na ako. Lahat ng mga tao ay napatingin saamin. Medyo nasilaw ako kasi sa mga camera ng paparazzi. Hinawakan ko ang balikat ni Haydes. Medyo nahihiya ako kaya nanginginig ang kamay ko. Sobrang daming tao. "Don't be nervous baby." He huskily whispered. "Chin up and walk like a goddess." Umangat ang tingin ko sakaniya at ngumiti. Hinalikan ko siya sa labi habang nasa gitna kami ng mga tao. "T

