Papalubog na ang sikat ng araw ng magpasiya si Timothy na bumalik na sa cabin nila. Sa hindi malamang dahilan kaagad na nakaramdam ang binata ng matinding kaba na hindi niya maintindihan kung bakit. Kung kaya’t walang sinayang na oras si Timothy at mabilis na naglakad na para bang may hinahabol siyang oras na siya namang ikinataka ng kaibigan niyang si Magnesium na kasama niya sa paghahanap ng iba’t ibang uri ng halaman sa kagubatan. “Timothy, ayos ka lang ba?” nagtatakang tanong ni Magnesium kay Timothy. “Ayos lang ako. Hindi ko lang maintindihan kung bakit bigla na lang akong kinabahan,” balisang sagot naman ni Timothy kay Magnesium. Sa halip na sumagot pa si Magnesium isang tango na lamang ang nagawa nito habang nakakunot naman ang noo ni Timothy dahil sa isang nerd na tumat

