Kabanata II - Ang Apat Na Elemento

2997 Words
Ilang araw na ang nakalilipas mula nang manuluyan si Jiselle sa mansyon nina Timothy. Noong una ay nangamba pa siya dahil inaasahan niya na magagalit ang mga magulang ng binata sa kaniya, ngunit, kabaliktaran nito ang nangyari. Sapagkat, hindi niya akalain na matutuwa pa ang mga ito na makita siya na para bang sabik na sabik ang mga ito sa kaniya. Kasalukuyan siyang naghihintay ngayon sa may balkonahe sa kwarto ni Timothy nang muli niyang maalala kung paano siya pinakilala ng binata sa mga magulang nito.   Ikawalo ng gabi buhat ng dumating ang magulang ni Timothy, kung kaya’t hindi maiwasan ni Jiselle na hindi kabahan sa mga ito. Samantalang, kaagad namang bumalatay ang gulat sa mukha ng ina ng binata ng makita nito ang dalagang si Jiselle sa tabi ni Timothy.   “Sino siya, anak?” May ngiting pagtatanong naman ng ina ni Timothy sa anak nito.   “She’s Jiselle, Mommy. She’s my friend and for the meantime I jsut need your permission for her to stay here.”    “Good evening, Ma’am, I’m Jiselle Snow.”    Sa halip na sumagot ang ina ni Timothy sa kaniya, halos manlaki ang mata ni Jiselle nang bigla na lamang siyang salubungin ng yakap ng ina ng binata. Isa mo pa rito ang kakaibang ngiti naman ng ama ni Timothy sa anak nito habang ang binata naman ay kaagad na pinamulahan ng mukha nito. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Jiselle na magtaka kung bakit bigla na lamang namula ang mukha ni Timothy.   “Don’t worry, Jiselle, you can stay here as long as you want.”    Kasabay naman nito ay ang pagbitiw nito sa pagkakayakap sa dalagang si Jiselle na ngayon ay parang gulat na gulat pa rin sa nangyayari sa paligid niya. Dahil dito, isang matamis na ngiti naman ang ipinukol sa kaniya ng ama ni Timothy habang matiim na nakatitig sa kaniya. Kung kaya’t marahan naman siyang lumapit sa pwesto ni Timothy na nasa gawi ng ama nito na para bang may pinag-uusapan ang mga ito. Nang makalapit siya sa pwesto ni Timothy kaagad siyang lumapit sa binata at may ibinulong sa tainga nito.   “Timothy, akala ko ba matapang ang mommy mo? E, ang bait-bait kaya niya.”    “Baka marinig ka ni mommy. Kahit ako nga nagulat din sa naging reaksyon ni mommy sa ‘yo.”  Halos umabot naman sa tainga ang pagkakangiti ng mommy at daddy nito dahil sa nakikita ng mga itong senaryo. Sapagkat, hindi nila akalain na may babae pa palang makakatagal sa ugali ng anak nilang si Timothy. Dahil hindi lingid sa kaalaman ng anak nilang si Timothy, alam nilang mag-asawa ang pinaggagagawa ng anak nila lalo na sa School ng lolo nito. Mas lalo pang nakaramdam ng tuwa ang mommy ni Timothy dahil sa mukhang nagkakamabutihan na ang anak nilang si Timothy at ang dalagang si Jiselle.   Napukaw lamang ang pagbabalik-tanaw ni Jiselle nang bigla na lamang sumulpot sa harapan niya ang binatang si Timothy na bagong paligo na. Habang nababakas naman sa mukha ni Jiselle ang matinding pagtataka dahil sa bihis na bihis sa harapan niya ang binatang si Timothy.   “Mukhang bihis na bihis ka yata.”   “H’wag mong sabihin na nakalimutan mo ang usapan nating dalawa!” May halos inis na litanya naman ng binata habang nakakunot ang noo nito.   “Ha? Usapan? May naging usapan ba tayong dalawa?”   “Hindi ba ang sabi ko sa ‘yo kagabi na pupunta tayo ngayon sa Mall!”   Kakamot-kamot naman ng ulo si Jiselle dahil nawala sa alaala niya na pupunta sila ni Timothy sa Mall. Bagamat hindi niya alam kung anong Mall ang tinutukoy ng binata wala siyang nagawa kung ‘di ang sumang-ayon na lamang sa kagustuhan ni Timothy. Sapagkat, ayon dito kailangan daw nilang mamili ng mga damit niya lalong-lalo na ang mga gamit niya sa paaralan.   “Oo nga pala, pasensiya naman nakalimutan ko lang.”   Sa halip na sumagot pa si Timothy kaagad itong nagtungo papalabas ng kwarto nito at kaagad namang sumunod dito ang dalagang si Jiselle. Kung pagmamasdan ang kasuotan niya, hindi maipagkakaila ang labis niyang kagandahan dahil bumagay sa kaniyang balat ang mala-rosas na kulay ng suot niyang bestida. Laking pasasalamat na lamang ni Jiselle dahil sa niregaluhan siya ng damit ng ina ni Timothy para naman daw ay may maisuot siyang pambabaeng damit. Pagkababa pa lamang na pagkababa nina Timothy at Jiselle kaagad na sumalubong sa kanila ang ina ng binata na may malaking ngiti ang nababakas sa labi nito. Para bang sa paraan pa lamang ng pagngiti ng ina ni Timothy ay mababakas sa mukha nito ang matinding pang-aasar sa anak nitong binata. Samantalang, nakangiti namang sinalubong ng yakap ni Jiselle ang ina ng binata habang si Timothy naman ay nababakas sa mukha ang matinding pagka-inip.   “Hanggang kailan ba kayo magyayakapan diyan? Come on, Jiselle, we need to go now and stop hugging my mom!” Nababanas namang litanya ni Timothy habang magkasalubong na ang kilay nito.   “Sige po, tita, kailangan na po naming umalis ni Timothy.” Nakangiti namang litanya ni Jiselle sa harap ng ina ni Timothy.   “Mag-iingat kayo sa biyahe ninyo. Ikaw naman Timothy ingatan mo ‘tong si Jiselle baka mamaya kung mapano pa ‘tong future daughter in law ko.” Litanya naman ng ina ni Timothy habang nababakas sa mukha nito ang kakaibang ngisi na para bang nang-aasar na naman sa anak nito.   “Mommy! Kahit kailan talaga!” Namumula namang litanya ni Timothy kasabay nito ay ang paghigit ng binata kay Jiselle papalabas ng mansyon nila.   “Ano ba! Timothy naman! Bakit ba basta ka na lang nanghihila?” Nakataas ang kilay na litanya naman ni Jiselle sa harap ng binata.   Sa halip na sagutin pa siya ng binata kaagad naman itong nagtungo sa sasakyan nitong pula habang si Jiselle naman ay nanatili lamang na nakatitig sa ginagawa ni Timothy. Dahil dito, kaagad na napakunot ang noo ni Jiselle kung bakit naroon si Timothy sa isang bagay na hindi pamilyar sa kaniya.   “Ano pang hinihintay mo diyan, Pasko?”    “Ha? Bakit nandiyan ka sa loob ng bagay na ‘yan? Akala ko ba aalis tayong dalawa?” punong-puno naman ng pagtataka na tanong ni Jiselle kay Timothy.   “Oo nga! Kaya nga nandito ako kasi ito ang gagamitin natin para makaalis na tayo.”   “Bakit ‘yan ang gagamitin natin? Pwede namang lumipad na lang tayo para mas madali ang biyahe natin.”  Hanggang sa manlaki ang mata ni Timothy dahil sa biglang paglabas ng isang mahabang walis sa harapan ng dalagang si Jiselle. Kulang na lamang ay samaan ng lasa ang binata dahil sa labis nitong pagkagulat sa ginawa ni Jiselle sa harapan nito. Nang makabawi sa pagkagulat ang binata mabilis itong lumabas sa sasakyan nito at kaagad na lumapit sa gawi ni Jiselle. Mababakas naman sa mukha ni Jiselle ang matinding kalituhan ng makita niyang patingin-tingin sa paligid nila ang binatang si Timothy na para bang may tinataguan ito.   “What the! How did you do that?” Nanlalaki ang matang pagtatanong naman ni Timothy sa dalagang si Jiselle.   “Ha? Ano bang ibig sabihin mo? Akala ko ba ikaw ang lumikha sa akin? Bakit parang gulat na gulat ka pa rin sa ginawa ko sa harapan mo?   “Baliw ka ba? Oo, ako ang lumikha sa ‘yo, pero, hindi ko alam na may ganiyan ka pa lang kakayahan!”   “Totoo ba talagang ikaw ang lumikha sa akin?”   “Malamang! Sino pa ba?”   “Talaga lang ha? Bakit hindi mo alam ang mga kakayahan ko?” Nakataas ang isang kilay na tanong ni Jiselle kay Timothy.   Bahagya namang nanahimik ang binata sapagkat wala kaagad itong maisagot sa tanong ng dalagang nasa harapan nito. Sapagkat, nilikha nito ang dalaga upang sana ay maging isang misteryosong tauhan sa istoryang sinulat nito na kung tutuusin ay sa ikalawang libro pa sana ni Timothy ipaliliwanag kung anong totoong katauhan ng dalaga. Ngunit, hindi inaasahan ni Timothy na ang tauhan na nilikha nito na dapat ay mamamatay na sa huling pahina ng kwento ay bigla na lamang magkakaroon ng buhay.   “Sa totoo lang, Jiselle, kung tutuusin ay dapat patay ka na ngayon. Sa madaling salita, ang alam ng mambabasa ko ay patay ka na, pero, ang totoo ay buhay ka pa naman dahil ililigtas ka dapat ng dalawang batang babae na tinulungan mo roon sa may kagubatan. Ngunit, ang pinagtataka ko, paano ka napunta sa mundo namin?” Mahabang litanya naman ni Timothy habang nababakas sa gwapo nitong mukha ang kalituhan.   “Pero, paano nangyari ang bagay na ‘yon?”    “Hindi ko rin alam. Pero, nangangako ako sa ‘yo na tutulungan kita.”   Sa halip na sagutin pa ni Jiselle ang litanya ni Timothy isang malungkot na ngiti na lamang ang isinukli niya rito. Kung kaya’t pinili na lamang nila na kalimutan pansamantala ang problema na kinahaharap nila ngayon. Kung kaya’t mabilis na sumakay si Jiselle sa kaniyang walis habang si Timothy naman ay bigla na lamang natulala dahil sa nakikita nito. Habang si Jiselle naman ay kaagad na umusod ng kaunti pauna sa pagkakaupo niya sa kaniyang walis upang may maupuan dito ang binatang si Timothy.   “What are you doing?”    “Ha? Malamang naghahanda na sa pag-alis. Ano pang hinihintay mo diyan? Bilisan mo at sumakay ka na sa walis ko.”   “Nababaliw ka ba? Paano kung may makakita sa ating dalawa?”   “H’wag kang mag-alala dahil gagamit ako ng mahika upang walang makakita sa atin. Halika ka na at sumakay ka na sa walis ko.”   Kung kaya’t wala namang nagawa si Timothy kung ‘di ang pumayag na lamang sa kagustuhan ng dalaga. Wala namang sinayang na oras ang dalaga at kaagad na pinalipad ang walis na sinasakyan nila habang mabilis namang napayakap si Timothy sa beywang ni Jiselle. Sa hindi malamang dahilan kaagad na nakaramdam ng kakaiba si Timothy na para bang bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso nito ng mayakap ng binata si Jiselle. Samantalang, tahimik lamang si Jiselle habang pinagmamasdan ang kapaligiran na bago sa kaniyang paningin.   Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating sila sa Mall na sadya nilang dalawa. Kung kaya’t kaagad silang tumungo sa isang Dress Shop upang mamili ng damit na gagamitin ni Jiselle sa pagpasok niya. Sunod naman nilang pinuntahan ay ang Book Store upang makapamili na rin sila ng gagamitin ni Jiselle sa pag-aaral niya sa School na pag-aari mismo ng pamilya ni Timothy. Nang makaramdam naman sila ng gutom ay nagpasiya silang kumain sa isang Restaurant na palaging pinupuntahan ni Timothy kasama ang mga kaibigan nito. Kasalukuyan silang kumakain ng bigla na lamang magkagulo ang mga tao dahilan upang mapakunot ang noo nilang dalawa.   “Hey, what’s happening?” Mabilis namang pagtatanong ni Timothy sa waiter na bigla na lamang sumulpot sa harapan nila.   “Ma’am, Sir, hindi sa itinataboy ko po kayo, pero, kailangan na nating umalis sa lugar na ‘to!” Nangangambang litanya naman ng waiter sa harapan nila habang nababakas sa mukha nito ang matinding takot.   “Ha? Hindi kita maintindihan. Ano bang nang---”   Hindi na naituloy pa ni Jiselle ang dapat niyang sasabihin ng makarinig sila nang malakas na pagsabog dahilan upang mayanig ang lugar kung nasaan nila. Dahil dito, mabilis naman tumayo si Timothy at kaagad na hinila papalabas ng Restaurant si Jiselle na gulat na gulat pa rin sa nangyayari. Pagkalabas pa lamang nila ng Restaurant bigla na lamang may sumulpot sa harapan nila na nakaitim na lalake habang may hawak-hawak na baril. Mabilis naman ang naging kilos ni Timothy at kaagad na sinipa ang armadong lalake dahilan upang mabitiwan nito ang hawak-hawak na baril. Isang suntok pa ang pinakalawan ni Timothy sa taong humarang sa kanila dahilan upang mawalan ng malay ang armadong lalake. Muli na namang yumanig ang lugar dahil sa sunod-sunod na pagsabog ang narinig nila. Kaagad namang niyakap ni Timothy si Jiselle upang mapigilan ang akmang pagtumba sana ng dalaga. Ang kaninang masayang lugar ay bigla na lamang napuno ng takot dahil sa sunod-sunod na pagsabog. Sa takot na madamay sila sa gulong nangyayari mabilis na hinila ni Timothy si Jiselle papalabas ng Mall habang hawak-hawak pa rin nito ang mga pinamili nila na nakalagay sa paper bag. Ganoon na lamang ang pagkainis ni Timothy dahil nahaharangan ng ilang armadong lalake ang labasan ng Mall kung nasaan sila ngayon.   Kung kaya’t muli na namang hinila ni Timothy si Jiselle patungo sa may Parking Lot ng Mall. Hindi pa nagtagal ay narating na nila ito, kaagad namang nanlaki ang mata ni Jiselle dahil nakita niyang dumudugo na ang balikat ni Timothy. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Jiselle na mag-alala sa kalagayan ng binata.   “Anong nangyari sa balikat mo?” nag-aalala namang tanong ni Jiselle.   “Ha?”   Sa halip na sumagot pa si Jiselle sa naguguluhang binata kaagad niyang kinuha ang panyo sa bulsa niya upang pigilan sana ang pagdurugo ng balikat ng binata. Halos mapasigaw naman sa gulat si Jiselle dahil sa bigla na naman siyang hinila ni Timothy sa may sulok ng sasakyan malapit sa gawi nila. Habang nakatakip sa bibig niya ang isang kamay nito na para bang nagsasabi na huwag siyang maingay.   “Kailangan ba talaga nating gawin ang bagay na ‘to?” pagtatanong naman ng lalaking kalbo sa kasamahan nito.   “Malamang! Kaya nga tayo nandito para pasabugin ang Mall na ‘to! Kagaya nga ng utos sa atin, kailangang marami ang mamatay sa lugar na ‘to. Sa ganoon malaking pabuya ang ibibigay niya sa atin,” mahinahon namang litanya ng lalaking may malaking pilat sa pisngi nito.   Dahil sa narinig kaagad na kinabahan si Jiselle sapagkat nasisigurado niyang mapapahamak silang dalawa ni Timothy pati na rin ang ibang tao sa Mall. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Jiselle na mainis sa dalawang armadong lalake na tila ba balewala lamang sa mga ito ang krimen na ginagawa nila. Sa inis ni Jiselle marahan niyang inalis ang kamay ni Timothy na nakatakip sa bibig niya at kaagad na bumigkas ng kakaibang salita.   “Gi mageía,” mahinang saad ni Jiselle.   Sa iglap lamang ay bigla na lamang nagitak ang sementong kinatatayuan ng dalawang armadong lalake dahilan upang mahulog ang mga ito sa ilalim nito. Kung kaya’t halos lumuwa sa gulat ang mata ni Timothy dahil sa nakita nito kasabay naman nito ang biglang pagtayo ni Jiselle at bumigkas muli ng kakaibang salita. Kung kaya’t kaagad na naguluhan si Timothy kung ano nga ba ang sinasabing salita ng dalaga. Isama mo pa rito ang biglaang pagbiyak ng sementong kanina lamang ay nakatayo rito ang dalawang armadong lalake. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Timothy ang matinding kaseryosohan sa mukha ng dalagang si Jiselle. “Epistrofi,” muling sambitla ni Jiselle.   Muli na namang nanlaki ang mata ni Timothy nang bigla na lamang bumalik sa dati ang sementong kanina lamang ay may malaking gitak. Ang kaibahan nga lang nito ay wala na ang dalawang armadong lalake sapagkat bigla na lamang ang mga itong nilamon ng lupa noong nabiyak ang sementong kinatatayuan ng mga ito.   “H-How did you that?” Utal-utal na pagtatanong naman ni Timothy kay Jiselle.   Sa halip na sagutan pa siya ni Jiselle isang matamis na ngiti na lamang ang sinagot ng dalaga kay Timothy. Kasabay nito ay ang muling pagsulpot ng walis na kanina lamang ay sinakyan nila. Dahil sa sunod-sunod na ang pagsabog sa Mall na pinuntahan nila kaagad silang nagpasiya na umalis na rito. Kagaya kanina ay wala ulit nakakita sa kanila dahil sa may mahika ulit na ginamit si Jiselle.   Habang nasa ere sila hindi maiwasan ng dalaga na mag-alala sa kalagayan ni Timothy sapagkat kasaluyang pa rin na dumudugo ang balikat nito. Kung kaya wala siyang sinayang na oras at kaagad na pinabilis ang paglipad ng walis niya upang makarating sila sa mansyon nina Timothy. Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating sila sa mansyon at parang kidlat sa bilis ang ginawang pagkilos ni Jiselle upang magamot ang dumudugong sugat ng binata.   “Thank God, both of you are okay,” kaagad namang sambitla ng ina ni Timothy na kapapasok lamang sa kwarto ng binata.   “Yes, mommy. So, don’t worry we’re okay,” mahinong sagot naman ni Timothy na ngayon ay may benda na ang balikat nito.   Nang masiguro ng mommy ni Timothy na ayos na silang dalawa kaagad naman itong nagpaalam upang maiwan silang dalawa. Ang buong akala ni Timothy ay hindi malalaman ng mommy nito ang nangyari sa kanila, ngunit, laking gulat na lamang niya dahil sa balitang-balita na pala ito sa lugar nila.   “Paano mo nagawa ang bagay na ‘yon?”    “Ha? Anong ibig mo sabihin?” naguguluhang tanong naman ni Jiselle kay Timothy.   “Paano mo nagawa ang bagay na ‘yon? Iyong paggitak bigla ng semento na kinatatayuan ng dalawang armadong lalaki.”   Sa halip na magsalita pa si Jiselle kaagad niyang pinakita ang isang lihim niya noong naninirahan pa lamang siya sa Mist Forest. Ang una niyang pinakita ay ang pagpapalabas niya ng apoy. Pangalawa, ipinakita niya ay tubig na bigla na lamang lumabas sa kamay niya. Pangatlo, gumagawa siya ng maliit na espada gamit lamang ang yelo. Panghuli, gumawa siya ng maliit na tau-tauhan na likha sa lupa. Dahil sa pinakita ng dalaga muntikan nang mahulog sa kinauupuan nito ang binatang si Timothy sapagkat hindi nito akalain na may iba pa palang kakayahan ang dalagang nasa harapan niya. “May itatanong ka pa ba? Dahil kung wala na magpapahinga na ako sa kwarto ko.” Nakangiti namang litanya ni Jiselle kay Timothy.   Habang naiwan namang tulala ang binata sa kwarto nito na tila ba gulat na gulat pa rin sa nasaksihan nito sa dalagang si Jiselle. Bagamat ang binata ang lumikha sa karakter ni Jiselle hindi nito ganoong napagtuunan ito ng pansin sapagkat ang balak nito ay sa ikalawang libro pa ni Timothy balak ilahad ang totoong pagkatao sa likod ng misteryosong karater na nilikha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD