Sa lugar kung saan nababalutan ng hamog na sinabayan pa ng malamig na hangin natagpuan ni Jiselle ang kaniyang sarili. Hindi malaman ni Jiselle kung bakit bigla na lang nawala ang lahat ng sakit na kaniyang nararamdaman kung kaya’t hindi niya munawaan kung ano nga ba ang nangyayari sa kaniyang paligid. Hanggang sa may natanaw si Jiselle na palasyo hindi kalayuan sa kaniyang pwesto. Dala ng kaniyang pagtataka dahan-dahan siyang naglakad patungo sa malaking palasyo kung saan kailangan pa niyang dumaan sa tulay makarating lamang sa lugar na nais niyang puntahan. “Nasaan ba ako?” tanong ni Jiselle sa sarili. Hindi pa man tuluyang nakararating si Jiselle sa malaking gate ng palasyo ay kaagad na siyang hinarang ng isang kawal na may pulang kasuotan habang nakasuot ng itim na sumbrero. Is

