Dear Diary, Wala na talaga siguro akong magagawa para patigilin ang pagpupunta ng demonyo kong ama sa bahay. Kahit na tinatago ko lahat ng mga pagkain na niluluto ni mudra ay hindi umaalis. Tambay ng tambay dito. Nakakainis. Kung war sila ng kabit niya wag siya dito, maghanap siya ng ibang matatambayan. Pero minsan naaawa ako lalo na kapag walang pumapansin sa kanya dito. May mga araw kasi na umuuwi ang kambal galing trabaho, malamang pati 'yon na dalawa galit sa kanya kaya wala talaga pumapansin sa kanya. Kapag gusto naman ni mama pansinin 'yang demonyo niyang asawa pinipigilan ko, baka may nakatago pala na patalim sa likod niyan tapos gilyitan siya sa leeg. Kaya mahirap na. Kahit na nakakaawa siya ay hindi mo na pwedeng pagkatiwalaan ang taong katulad niya. Tsaka kapag pinapansin 'ya

