Prologue

741 Words
This Diary belongs to Corvina Dankworth Basa ng dalagitang kanina'y abala sa pagliligpit ng mga gamit sa maliit na notebook na hawak. Sa pagkakaalam niya ay wala siyang kilalang tao na may pangalang Corvina. "Hon, what is it?", tawag sa kanya ng papalapit na lalake nang mapansin ang napatigil na asawa. Dahil sa haplos sa bewang ay nilingon ng dalaga ang asawang nakayakap sa kanya mula sa likod. "Sayo ba 'to?", tanong ng babae. Napatitig ang lalake sa diary. When he read the name, something familiar clicked inside him. Wala sa sariling kinuha niya sa asawa ang diary at pinakatitigan ang pangalan. "Corvina.." basa niya. "Familiar siya," komento ng babae. "I know." "Should we read it?" "I don't think so. A diary is an important and most personal item for someone who owns one. It would be a bad idea to snoop around with someone else's belongings besides, saan mo nga pala ito nakuha?" "Hindi ko alam, bigla na lang nahulog sa box na bitbit ko," kibit-balikat na sagot ng babae. "I'm gonna cook us some lunch. I'll be putting this diary here on the table and it should be the same as where I left it, if I caught you doing a bad deed, I'll punish you in a way you won't be able to go to your work nor even stand. Got it?", biro ng lalake. Natatawang umiling ang babae at pinili na lamang umupo sa sofa nang tuluyang makapasok sa loob ng kusina ang asawang lalake. Nangingisi ang dalagang kinuha ang diary at binuksan iyon. Likas na makulit at matigas ang ulo niya kaya kahit pagsabihan siya ay hindi talaga siya sumusunod sa kahit na kanino, except the boss she works for. "Whomever finds this, please read until the end and contact Emily Dankworth," basa niya sa unang pahina. Kumunot ang noo niya. May mga tao pala na hindi katulad niyang sobra kung magalit kapag pinapakealaman o binabasa ang mga personal belongings, katulad ng diary. Nagpatuloy siya sa pagbabasa dahil sa sobrang pagtataka na nararamdaman. Kung sino ka man, welcome sa aking mundo! Though this is weird dahil parang komportable ako at parang hindi magagalit sa kung sinuman ang makakabasa ng diary ko, pero nevermind! I just want to get on with what I want to say— write rather, lol! Anyway, nawala sa isip ko ang isusulat ko. I have to redo what I did before this para maalala ko ulit, this is how my mind remembers things. Weird man kasi hindi ko alam kung ako lang ba ang ganito pero, ganito talaga ako eh. I aways go back to where I lost it so that I can remember everything for me to move forward. Char! Galing ko doon ah? Sana ma-amaze ang taong nagbabasa nito, I hope it's mom para naman maging proud siya sakin kahit 'yon lang na phrase ang kaya ko. Lmao, bagsak na naman kasi ako ngayong First quarter. Inagine, 4th year high school na ako pero bagsak pa rin, my gosh nakakahiya! Pero wala akong magagawa, tinatamad ako eh. Hay. Ganito ba talaga kapag niluwas sa mundo? Tinatamad ka? Ako lang ba ang ganito sa mundo? Kasi kung ang sagot ng iba ay hindi, bakit kahit tinatamad ang iba ay magaling pa rin sila at nagiging maganda ang performance? Mataas pa rin ang grades at nakakasagot sa test paper habang ako ay pinapanood silang lahat, always wondering how are they able to focus and concentrate on one specific point whereas I couldn't even do that no matter how hard I try. I get their point of just studying, I do that too, pero how could they make themselves concentrate even if their surroundings are too much to handle? I mean, too loud for a student to be able to handle the volume of misery. Hay. Minsan kapag wala na akong masagot sa test, chinachamba ko na lang lahat tapos kapag natutulala ko pinipili kong yumuko sa armchair ko at doon ipagpapatuloy ang pagkatulala habang nakapikit. I always ask myself, what is life? Is it really something that makes us human? Kasi kung oo, paano naman ang love? People say, when you love, it only proves that we're all human beings. Eh bakit parang nakikihati si Life kay Love in terms of being a human? I always hear that common phrase. "We're all human beings". We love. We live. We die. But sometimes, I can't feel everyone being human. They're unbecoming humans. Always using that common phrase for their petty excuses. Life should be meaningful, full of, well, life and joy, but why are we suffering?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD