Hindi malaman ni Facu kung saan magtutungo sina Harlan at Aloha. Pero sa selos na nararamdaman niya hindi niya nagawang pigilan ang sariling hindi sundan ang mga ito. Mabilis siyang bumaba ng bahay at sumakay sa kotse niya. May gate sa likod ng bahay iyon. Hindi naman ito mapapansin sa unahan na siyang nakaharap sa bahay nina Aloha. Ipinagawa niya iyon ng mabili niya ang bahay sa dating may-ari nito. Noong ipagtabuyan siya ni Aloha noong una. Noon niya nakita na ibinibenta ang bahay. Dahil sa ayaw niyang malayo sa dalaga, binili at ipinaayos niya ang bahay na iyon. Sa loob lang siya may ipinaayos na hindi mahahalata na may gumagawa sa loob. Lahat ng manggagawa ay sa likod dumaraan. Kaya naman ng tirahan niya ang bahay, kahit ang matanaw lang si Aloha ay nagiging sapat na sa kanya. Nang

