Nakatingin lang si Aloha sa labas ng bahay ni Harlan sa ibang bansa. Wala doon ang lalaki nang magpaalam itong may aasikasuhin lang ito. Sanay na rin naman siyang manatili sa lugar na iyon. Ilang buwan na ba ang nakakalipas. Pitong buwan na mula ng ikasal sila ni Harlan. Isa lang ang labis niyang ipinagtataka. Alam niyang may nangyari na sa kanila, kaya nga ngayon ay nagdadalangtao siya at dahilan kung bakit nagpakasal siya kay Harlan ng walang pagdadalawang isip. Kahit sabihing si Facu pa rin ang hinahanap ng puso niya. Pero anong magagawa niya? Mahirap namang gumawa na naman siya ng mali para pagtakpan ang isa pang mali. Hindi na niya kayang dagdagan pa ang mga mali niyang desisyon. Kaya lang pagkarating nila ng bansang iyon matapos ang kanilang kasal ay sa magkaibang kwarto sila tumu

