Lumipas dalawang buwan medyo klaro na ang aking tiyan. Panay alaga ni Marco sa akin kulang na lang siya ang mapapaligo sa akin. Laking pasasalamat ko dahil may lalaking handang mag-alaga sa akin kahit hindi niya ako ka ano-ano. Minsan naiilang na ako dahil ni piso wala akong maibigay sa kan'ya. Bigla ko na-alala ang lalaking sumulpot sa harap ko. Hindi ko na nakita ang lalaking humila sa akin kaya panatag ako. Ngunit pa minsan-minsan may lalaking nakikita siguro natauhan na ito hindi ako ang babaeng hinahanap nito. "Marco," tawag ko sa lalaki. Ngunit hindi ito sumagot. Saan kaya ang lalaking iyon. Kanina nakita ko lang ito. "Yaya, saan si Marco?" tanong ko sa katulong. "Ma'am nasa labas po kasama niya ata ang girlfriend niya," sagot nito sa akin. "Ganun ba?" tungon ko dito. Bi

