Kabanata 5

1952 Words
Carol POV Wala akong ibang ma puntahan kundi sa bahay. Kaya no choice ako kundi umuwi sa bahay kung saan ako lumaki. "Tatay, nandyan po ba kayo sa loob?" tawag ko sa Tatay ko. "Kuya, ako ito bakit hindi kayo sumagot?" muling tawag ko dito. Hindi ako maka pasok dahil sarado ang pinto. "Ineng, sino ba, ang hinahanap mo, dyan?" boses mula sa likod ko. "Ah tinatawag ko po, ang Tatay ko," sagot ko dito. "Wala sila panigurado nasa sugalan sila. Dyan naman magaling ang mag-amang iyon eh. Nagtaka nga ako dahil mukhang tiba-tiba sila ngayon," pahayag nito sa akin. Saan sila kukuha ng pera kung tiba-tiba sila eh ni trabaho wala kaya minsan ako na ang kumakayod sa amin upang mabuhay man lang. Si Kuya kahit malaki na palamunin pa rin ito uma' asa ito sa akin. "Sige, aalis na ako baka mamayang gabi pa sila uuwi," muling sabi nito sa akin. "Sige po, salamat?" magalang na sabi ko dito. Ngumiti lang ang ginang sa akin. Kailangan ko maghintay sa labas. Dahil wala akong pwedeng takbuhan. Gumabi na hanggang ngayon wala pa rin ang dalawa. Hindi nagtagal may dumating na sasakyan kaya nagtago ako. Nagtago ako sa likod ng poste upang hindi ako makita. Panigurado si Kian Salazar ito. Hinintay ko lumabas ito sa sasakyan. Maya't-maya nakita ko na dumating na ang Tatay at Kuya tila ang saya-saya nila. "Sir? Kian, nandyan ka pala anong ginagawa mo dito?" tanong ni Tatay sa lalaki. Pinakinggan ko ang usapan ng dalawa. Hindi ako pwede lumabas baka kunin ako ng lalaking iyon mahirap na. "Saan mo, tinago ang anak mo, nag-usap na tayo hindi ba? Kung gusto mo, bahuy ibigay mo sa akin si Carol!" seryosong sabi nito sa aking Tatay. ""Wala dito ang babaeng iyon bakit hindi mo tiningnan sa bahay mo Kilala ko si Carol babalik at babalik rin ito dito. Oras na magkataon iyon ikaw ang una kong tatawagan?" pahayag nito sa lalaki. Mga walang kaluluwa ang saya pa nila habang ako naghihirap. Wala na ba silang kahit katiting awa sa akin. Hindi nagtagal umalis ang sasakyan. Umupo ako upang hindi nila ako makita. Dahil dumaan sila sa harap ko. Gutom at uhay ang tinamo ko. Hinintay ko pumasok ang dalawa sa loob. Humakbang ako papalapit sa pinto. Sabay katok sa pinto. Hindi nagtagal bumukas ang pinto ng bahay. "Carol? Ikaw ba iyan?" gulat na sabi ni Kuya. "Ku-Kuya?" pautal na sabi ko dito. "Tatay, nandito si Carol?" sigaw nito. Hindi ko na tinapos agad ako umalis sa harap nito. "Hoy? Carol, bumalik ka dito!" tawag nito sa akin. Ngunit akala ko ligtas na ako hindi ko nakita nasa likod ko si Tatay sabay hawak sa akin. "Bitawan mo, ako Tatay," wika ko dito ngunit gumiti lang ito sa akin. "Hindi ka na makakatakas babae dahil ibalik kita kay Kian. Panigurado may matatanggap na naman ako mula sa kanya," ngiting sabi nito sa akin. "Wala ka na ba ibang inatupag kundi pera. Tatay anak mo, ako pero kung umasta ka parang hindi mo ako anak?" iyak na sabi ko dito. "Hahaha, sa panahon ngayon makapangyarihan ang pera. Kahit ayaw mo wala ka na magagawa dahil ibabalik kita," anya nito sa akin. Hawak na ako nang dalawa kaya hindin na ako maka takas. Binuhat nila ako papasok sa bahay. Biglang may nilagay si Tatay sa ilong ko at unti-unti ako nahilo. "Anong ginawa mo sa akin," mahinang sabi ko at tuluyan ako naka tulog. Nagising ako sa dating kwarto kung saan ako ikinulong ni Kian. Pakiramdam ko nangangalay ang kamay ko. "Aray ko ang sakit?" daing ko. Naka kadena pala ang kamay ko kaya pala ang sakit. "Ang tanga-tanga mo, talaga Carol naka laya ka na nga pero ikaw rin naglagay sa ganitong situation. Kaya wag kang magtaka," bulong ng kabilang utak ko. Bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan ako. Nakita ko babae na may edad na. "Hija, kumain ka, may dala ako dito," wika nito sa akin. Hindi ako kumibo dahil hindi ko naman kilala ang babae baka mamaya may lason ang pagkain na inihanda sa akin. "Sige kung may kailangan ka, magsabi ka lang sa akin. Ang bilin ni Lord, kumain ka raw dahil ayaw nya ang matigas ang ulo," wika nito sa akin. Hindi pa rin ako kumibo dito. Bahala na kung sabihan nya ako bastos. Titiisin ko ang gutom ko. Muli ako humiga napa luha ako dahil kung buhay lang ang aking ina siguro hindi ako magkakaganito. Pinunasan ko ang luha pumatak sa aking pisngi. Muli ako pumikit upang matulog. Sana paggising ko nasa langit na ako. Kung ganito lang mas okay na mawala na lang ako. Upang makasama ko ang aking ina. Nagising ako na para bang may tubig pumapatak sa akin mukha. Minulat ko ang aking mata nakita ko walang iba kundi galit na mukha ni Kian sa harap ko. "Gising na hindi ka, Reyna dito!" seryosong sabi nito sa akin. Walang hiya talaga ang lalaking ito. Nakita nya ina-antok pa ang tao at anong akala nya sa akin aso. "Bakit hindi mo, kinain ang pagkain binigay sa' yo, ni Yaya. Bawat bigas na kinakain mo salapi iyon . Anong gusto mo hindi kita papakainin upang mabilis ang pagkawala mo sa mundo!" muling sabi nito. "Ano ba ang ginagawa mo, sa' yo, ha! Wala akong kasalanan bakit ginaganito mo ako. Bakit hindi mo na lang ako tuluyan upang mabilis ang aking pagkawala sa mundo," wika ko dito. "Wag kang mag-alala Carol darating rin ang araw na iyon. Pero bago iyon pahihirapan mu na kita upang magdusa ka. Akala mo palampasin ko ang ginawa mo sa pagtakas sa bahay ko. Pwes hindi dahil wala pa ni isang makatakas sa bahay ko!" seryosong sabi nito sa akin. Takot at namutawi sa akin. "Kumain ka na dahil oras na hindi ka kakain. Gagahasain kita wag mo ako subukan babae," muling sabi nito sa akin. Niyakap ko ang aking sarili baka totohanan nya ang banta nya sa akin. "Pa-Paano ako kakain kung naka kadena ang aking mga kamay?" pautal na sabi ko dito. "Utak, ang gamitin hindi ang mata," anya nito sa akin. Sinipa nya ang plato na may lamang pagkain. Umupo ito sa harap ko at pinagmasdan ako. "Ang gusto ko sa babae yung masunurin. Hindi yun matigas ang ulo. Kaya kung ako sa' yo, sumunod ka sa lahat ng gusto ko," wika nito sa pumong tenga ko. Pakiramdam ko bumabara sa lalamunan ko ang kanin. Wala naman ako laman kung mag protesta ako dito. Ma pera ito hindi gaya ko ni piso wala ako. "Ano bang gusto mo, sa akin bakit hindi mo na lang ako hahayaan malaya. Pangako hindi ako magpakita sa' yo. At kakalimutan rin kita," mahinang sabi ko dito. "Malalaman mo rin ito ngunit hindi pa sa ngayon. Sige ubusin mo, iyan. Pagbalik ko dito maubos mo ang lahat at wala ka matira kahit isa naintindihan mo ba?" saad nito sa akin. Kulang na lang sabihin na na ubisin ko pati plato. Ang sama talaga ng ugali ng lalaking iyon. Siguro sa lahi na nila ang demonyong ugali. Gwapo nga pero halang ang bituka. Pabagsak nya sinarado ang pinto. Paano ako tatakas dito. Mabuti na lang hindi naka kadena ang paa ko. Kaya pwede ako pumunta sa banyo. Sa sobrang gutom ko naubos ko ang pagkain na binigay sa akin. Uminom ako ng tubig at binalik ko sa dating lalagyan ang plato. Lumipas limang araw narito pa rin ako sa loob ng kwarto. Pinakinggan ko kung may tao sa labas ng pinto. Pakiramdam ko pumayat ako. Hihintayin ko na lang ang pagkamatay ko. Hindi hindi lang ako bumalik sa bahay ni Tatay hindi pa sana ako nandito ngayon. Nakakain nga ako pero para naman akong hayop kung ituring ni Kian. Namaga na rin ang aking mga mata dahil gabi-gabi ako umiiyak. Hindi pa pumasok ang lalaking iyon dito. Mas okay na iyo you dahil puro masasakit na salita ang binitawan nya sa akin. Paano ako maliligo kung naka kadena ang aking kamay. "Lord, ikaw na lang ang bahala sa akin," wika ko sa hangin. Ikaw lang ang may alam kung may kasalanan ba ako nagawa. "Hija, ito ang mga damit mo, sabi ni Lord mag-ayos ka. Wag kang gagawa ng ika-iinis nya," boses ng babae. Pinakawalan nya ako. "Ginang, ano po ang gagawin ko sa labas. Mas okay kung dumarito na lang ako dahil baka kung ano pa ang gagawin ng lalaking iyon?" mahinang sabi ko dito. "Hija yun ang utos sa akin ni Lord. Walang sino pa ang tumanggi. Kung tatanggi ka, isang parusa ang matatanggap mo?" anya nito sa akin. Bigla ako kinikabutan sa sinabi nito. Wala akong nagawa kundi pumayag dahil mas lalo ako nahihirapan ku hindi ako sumunod. Isang malamin na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo. Dahil wala akong lakas natumba ako mabuti na lang nahawakan ng ginang ang kamay ko at inakaw ako patungo sa banyo. "Salamat po?" mahinang sabi ko. "Bakit ka, kasi nagpakita pa yan tuloy na' awa ako sa ' yo, dahil may anak rin ako. Hindi kita matutulungan dahil naka sunod ang mga mata ni Lord sa akin," mahabang salaysay nito sa akin. "Ayos, lang po, iyon hindi mo ako kailangan tulungan. Kaya ko ang sarili ko. Sige na po, pwede ka na lumabas," saad ko dito. "Sige bilisan mo, dyan wag kang magtagal dahil ayaw ni Lord ang pinaghintay sya ng matagal," muling sabi nito sa akin. Tanging pagtango lang ang aking sinagot. Lumabas ang ginang sa loob ng banya at nag-umpisa na ako maghubad ng damit. Gumapang ako patungo sa tapat ng shower. Habang naliligo ako biglang bumalik ang sinasabi ng lalaki sa isip ko. Ngunit kailangan ko tatagan ang loob ko upang mabuhay ako. Hindi nagtagal natapos ako at nagbihis narin ako sa loob ng banyo suklay na lang ang kulang sa buhok ko. Mukha tuloy ako ewan sa itsura ko. "Tapos, ka na ba?" tanong ng ginang sa akin. "Opo," tipid na sagot ko. "Halika sumunod ka, akin dahil kanina pa si Lord na-iinis sa' yo?" wika nito sa akin. "Lord? Wag mo, ako pabayaan," mahinang sabi ko. Nagtungo kami sa kwarto na purong kulay na itim. Nakakatakot naman bakit ganito ang kulay at bakit pula ang ilaw. "Lord? Narito na po, sya," magalang na sabi ng matanda sa lalaki. Kung tutuusin kailangan sir lang pero bakit Lord ang tawag nya. May nabasa na ako dati tungkol sa Lord na iyan. Ang alam ko mga mafia lang ang tinatawag na Lord. "Mrs Verez iwan mo na kami ni Carol?" mahinang boses nito. "Sige po, Lord tawagin nyo, lang ako kung kailangan nyo, ako," sagot nito sa lalaki. Tumingin ako sa paligid na para bang nada madilim na lugar ako napunta. Umupo ako sa harap nito. "Sinasabi ko, ba na umupo ka dyan!" untag nito sa akin. "So-Sorry, akala ko pwede ako umupo," pautal na sabi ko dito. Muli ako tumayo sa harap ng lalaki. "May kundisyon ako sa' yo. Yun ay kung papayag ka. Kahit naman hindi ka, pumayag ako lang naman ang masusunod dito," wika nito sa akin. Nababaliw na ba talaga ang lalaking ito. "Ano po, ang kundisyon na sinasabi mo," mahinang sabi ko dito. "Ikaw ang magmasahe sa akin tuwing gabi. Bawal umangal dahil wala ka rin mapapa. Kapag malapit na ako matulog ipagtimpla mo ako ng gatas dahil hindi ako nakakatulog kapag hindi ako uminom ng gatas," mahabang salaysay nito sa akin. "Sige po, walang problema sa akin." Kailangan ko makuha ang loob ng lalaki upang hindi sya magagalit sa akin. "Hindi pa, ako tapos wag kang nagmamadali. Ikaw rin maglaba ng damit ko at ayaw na ayaw ko marumi ang kwarto ko. Naintindihan mo, ba?" untag nito sa akin. "Opo," sagot ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD