Lara Mea POV
"Ate, nakapag apply kana ba?" tanong sakin ni Lynda habang kumakain kami ng aming hapunan.
Simple lang kaming namumuhay. Hindi mahirap pero hindi rin naman mayaman. Tama lang na kung anong meron kami ngayon ay kontento na kami.
Dalawa lang kaming magkapatid. Ako ang panganay at syempre si Lynda ang sumunod, bunso. Si nanay naman ay pagtitinda ng gulay sa palengke ang pinagmamaabalahan.
Iyon lang kase ang hanap buhay namin dito sa probinsya. Paminsan minsan ay tumutulong naman kami ni Lynda kay nanay sa pagtitinda kapag hindi kami busy.
Si Lynda pala ay nag aaral pa at nasa grade 10 pa lamang. Medyo nahihirapan rin kami sa mga gastusin sa bahay pero kayang kaya pa naman.
2 years lang kase natapos ko sa kursong guro at si Lynda naman ay architecture ang kinuhang kurso. Tumigil ako sa pag aaral dahil hindi kaya nag magsabay kami ng kapatid ko. Wala rin naman tumutuling sa amin kaya nagpaubaya na ako sa pangarap kong maging guro.
Hirap lang ako ngayon maghanap ng trabaho lalo pa at wala akong kaexpe-experience.
Kakamatay lang kase ni tatay nong nakaraang taon dahil sa sakit nitong diabetes. Kaya ngayon kailangan ko na talagang maghanap ng trabaho para sa kapatid ko at para narin sa pangangailangan namin.
Kung nandito lang sana si tatay. hay.. nalulungkot na naman ako. Sa tuwing maaalala ko si tatay nalulungkot nalang ako bigla. Si tatay. Si tatay ang dakilang ama sa mundo na nakilala ko. Walang hindi kayang gawin iyon at sige lang ng sige hanggat kaya pa nito.
At sa subrang sipag niya, nakalimutan na niya ang kaniyang sarili. Hindi man lang namin napansin na may nararamdaman na pala siya.
Kaya subra kaming nangulila noong nawala si tatay sa amin. Lalo na si nanay. Ilang gabi din siyang umiyak dahil sa biglaang pagkawala ni tatay. Subra siyang nasaktan. Maging kami ni Lynda.
Ipinagmamalaki namin ang mga mgulang namin at ngayon nga ay si nanay nalang ang nagtataguyod sa amin ni Lynda. Hindi ko kayang makita na nahihirapan si nanay lalo pa at siya lang ang nagtatrabaho para sa amin.
Buti nalang kahit papaano ay nakakaraos naman kami kahit sa pang araw araw na gastusin namin. Iyon nga lang ay kinakapos parin kapag may kailangan si Lynda sa school maging sa mga iba pa naming babayarin.
Pero iba pa rina ang sitwasyon ngayon gayong wala na si tatay. Kaya napagdisisyon ko na ititigil muna ang pag aaral at tutulong sa gastusin sa bahay.
Ayaw pa nga akong payagan ni nanay pero kalaunan pumayag narin naman. Para rin naman ito sa aming tatlo.
"Wala pa nga eh, hays.. nakakapagod maglakad maghapon. Nagka paltos-paltos rin ang mga paa ko." sagot ko kay Lynda.
Bigla naman tumingin sa akin si nanay. "Anak naman.. sabi ko na kase sayo eh. Kung tatapusin mo sana ang pag aaral mo, eh di sana mas mabilis kang magkakahanap ng trabaho niyan." sermon sa akin ni nanay.
"Nay... napag usapan na natin ito di'ba?"
"Pero-"
"Ops! wala ng pero pero!" pigil ko kay nanay at tinaas ko pa ang kamay ko na parang nanunumpa. "Alam mo nay, may isang salita ang diyos. Na kapag nag tiyaga ka, may malalaga ka." sabi ko sabay ngiti. "Hindi tayo pababayaan ni lord basta pray lang tayo sa kaniya. At alam korin na hindi rin tayo pababayaan ni tatay na makitang nahihirapa-"
"Nay!" biglang sabi ni Lynda.
Nang makita ko naman ang inay na malungkot ang mukha nito ay natigilan ako at tumayo saka dinaluhan si nanay.
"Nay..." ani pa ni Lynda. Tumayo rin ito at lumapit kay nanay.
"Sorry nay... naalala mo na naman tuloy si tatay." sabi ko at inalo ko ito gamit ang paghagod sa kaniyang likod.
"Okay lang anak. Hindi naman iyon ang iniiyakan ko, eh. Naiiyak lang ako kase... biniyayaan ako ng mabubuting anak kagaya ninyo.. " ani nanay na nakangiti pero bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata
"Saan pa po ba kami magmamana? eh di sa inyo po.." ani Lynda.
"Hehe.. payakap nga ako mga anak! " ani nanay sabay lahad ng dalawang braso niya.
"Si nanay, nagpapalambing lang pala eh! " biro ko pa at sabay namin niyakap ang isa't isa.
Napaka swerte talaga ng pamilyang meron ako ngayon. Hindi man kami kompleto ngayon, pero pinaranas naman saamin noon kung gaano kami ka-perfect family noong nabubuhay pa ang tatay. Sa ngayon, gusto ko munang.. hayss
Kahit hindi na kami kompleto, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang maibigay ang magandang buhay para sa aming tatlo.
Pagkatapos kumain ay sabay sabay na kaming pumunta sa mga kwarto namin. Dalawa ang aming kwarto. At sa kwartong iyon, ang isa ay magkasama kami ni Lynda. Si nanay naman ay pumasok na sa kwarto nila ni tatay.
Isang kwarto lang kami ni Lynda dahil yung kama namin ay dobledeck. Siya ang nasa taas at ako naman sa baba.
Hindi muna ako aalis bukas para maghanap ng trabaho. Tutulong muna ako kay nanay sa pagtitinda sa palengke. Siguri sa sunod nalang muna ako maghanap ng trabaho?
Kunabukasan nakahanda na ang mga gulay na dadalhin sa palengke.
"Okay na siguro ito kuya nestor. " sabi ko sa kinuha naming tricycle driver.
"Yan lang ba lahat? " tanong ni kuya.
"Opo. Kaunti lang po kase ang nakuha naming gulay, eh."
"Sige, alis na tayo. " anito
"Wait lang po! tawagin ko si nanay. "
Pumasok ako sa bahay at tinawag si nanay.
"Susunod po agad ako nay. maliligo lang ako saglit." sabi ko ng makalabas na si nanay at makasakay na sa tricycle.
"Sige, " ani nanay.
"Ingat po kayo nay, kuya! "
Pagkaalis ng tricycle saka naman ako nagmadaling maligo. Mag aalas-syete na ng umaga at tatawagin kopa si Lynda para mag almusal at makapasok na rin ito sa kaniyang paaralan.
"Ate, mauuna na ako ha? may nira-rush kase kaming project. Hind kase iyon natapos kahapon kaya ngayon namin tatapusin sa school. " paalam sa akin ni bunso habang nagsusuot ng sapatos.
"Pero hindi pa ubos ang pagkain mo? " aniko
"May baon naman akong tinapay, 'te. Okay na ito." ani naman nito.
"Sure ka? "
"Oo ate. Sige 'te aalis na ako. " paalam nito sabay halik sa pisngi ko.
Napatango nalang ako. "Mag iingat ka! " pahabol ko pa sa kaniya habang ito naman ay nagtatatakbo palabas.
"Oo! babye na! " at kumaway pa! haha! si Lynda talaga napaka bibo kahit dalaga na.
Habang lulan sa tricycle para pumunta sa palengke, naalala ko naman si claire na matalik kong kaibigan.
Mula highschool pati na rin sa college ay palagi kaming magkasama. Wait! oo nga pala! tatawagan ko nga pala siya.
Isang linggo ko narin siyang hindi nakakausap sa subrang busy ko.
Mula sa shoulderbag kinuha ko yung cellphone ko. Nagriring lang iyon.
"Hello-"
"Hoy bruha ka! ba't ngayon kalang ha? tinatawagan kita noong nakaraang araw pa hindi ka sumasagot? at bakit ba ngayon kalang napatawag ha? " inilayo ko sa tainga ko ang cellphone ko. Ito talaga, akala mo naman kung napano na.
"Hello! " sabi pa nito ng hindi ako makapagsalita.
"Hello? ano kaba? nakakabingi kaya? " sabi ko sa kabilang linya.
"Sorry. nga pala, saan ka?" biglang tanong nito.
"Paputa ako ngayon ng palengke. Tutulong ako sa pagtitinda, bakit?" aniko.
"Eh kasi bes, hinahanap ka ni prof. Clarence, yung architech teacher? nagpapasama nga siya sa akin na puntahan ka, eh. Hinihintay lang naman kita kung papayag kaba or hindi." mahabang paliwanag nito.
Bakit kaya? eh alam naman ni sir na hindi ko na ipagpapatuloy ang pag aaral ko? dalawang buwan na nakakaraan ah? At sinabi ko naman sa kaniya na hindi na ako makakapag enroll ngayong pasukan.
"Patay na patay talaga sayo si Sir bes, ayieeeh? sana all!" inilayo ko ulit sa tainga ko ang cellphone. Hay nako. Si Claire talaga...
"Tumigil ka nga jan. Baka may makarinig sayo jan magka issue pa."
"Eh ano naman? hindi ka naman na studyante, so, kapag nanligaw sayo si Sir, oo agad bes!" kilig pang sabi nito.
"Claire ano ba? tama na sabi. Baka talaga may makarinig sayo ako naman ang malilintikan niyan? " aniko.
"Ano bang inaarte arte mo sa kanya ha? gwapo, matalino, mayaman, saan kapa?"
"Claire.." napabuntong hininga ako.
"Oh bakit, totoo naman ah? bahala ka, kung ayaw mo akin nalang?" sabi nito.
Halata naman na gusto niya talaga si Sir. Pero kilala ko ang kaibigan ko na ito, kapag nasa harapan na, tumitiklop na!
"Okay sige. Pero alalahanin mo ang pagiging studyante mo. Remember the rule of being teacher and student? bawal ang relation nyo, dzai." sabi ko na may halong pang aasar.
"Mhp! kung hindi niya ako bibigyan ng pansin, gagayumahin ko nalang siya. Biruin mo? kakausapin lang ako kapag may itatanong tungkol sayo, nakakainis sya." anito na may halong inis.
"Kase nga studyante ka nya."
"Eh bakit ikaw.?"
"Ano kaba? walang malisya doon noh? ikaw lang kase binibigyan mo na ng kahulugan mga ginagawa niya. Kaya tigil tigilan mo na pag dedemanding mo jan at baka may makarinig sayo makarating pa yan sa office." mahaba kong paliwanag. "oh, sya at malapit na akong bumama. Maya nalang kita ulit tawagan. Sige na. bye!" at pinatay ko na ang tawag.
Professor Clarence Vallente. Isang magaling na professor at mabait sa mga studyante sa campus.
Lage itong dumadaan sa room namin dahil magkatabi lang kase ang campus ng mga architech student at teacher student kaya kapag breaktime ay dadaan muna sila sa campus namin.
Kung napapansin ni Claire na malapit kami ni Sir ay walang kahulugan iyon. Hindi lang naman ako ang nilalapitan at pinapansin ni Sir Clarence, pati rin ang iba kong pang classmate.
Crush niya kase, amp!
Pagka baba ko ng tricycle inabot ko ang bayad at agad na pinuntahan si nanay.
"Nay."
"Nako, nanjan kana pala.
"Sige nay, ako na muna jan."
"Oh sya sige. Aalis muna ako saglit. May bibilhin lang ako." ani nanay.
Umalis na si nanay at ako naman ang naiwan para magbantay
Habang naghihintay kay nanay ay may nakita akong isang babae na mukhang mayaman. Base sa kutis nito. Maganda, makinis at maputi.
Nasa kabila siya namimili ng gulay. Maya pa ay napabaling ang tingin nito sa pwesto ko at lumapit.
"Iha, ang gaganda ng mga gulay mo ah?" nakangiti pang sabi nito, tumayo ako.
"Ahh.. pasensya na po kase may may-ari na po nito. katunayan po hinihintay ko po ang pick up nila." aniko.
"Ah ganon ba? sayang naman ang gaganda." sabi pa ng babae na labis ang paghihinayang.
"Anak, wala pa ba yung mga kukuha ng gulay?" bigla akong napalingon sa nagsalita.
"Wala pa po nay, eh." sagot ko naman kay nanay na kararating lang.
Inilapag nito ang mga pinamili niya. Ewan ko kung ano mga iyon. Siguro pang stock sa bahay.
"Di bale, baka maya maya lang narito na sila." ani pa ni nanay.
"Nga pala ito yung nabili kong ulam-"
"Marissa?" sabay pa kaming napalingon ni nanay sa nagsalita. kilala niya si nanay?
Tinitigan muna ito ni nanay. "Cynthia?" gulat na sabi ni nanay.
Napalingon muli ako kay nanay.
"How are you Marissa? long time no see? si Lindon asan s'ya?" sunod sunod na tanong ng babae.
Napatingin naman sa akin si nanay. Alam ko na malulungkot na naman siya ayon sa nakikita ko sa mga mata niya. Parang ayaw n'ya laging nariring ang pangalan ni tatay.
Sumulyap naman ako sa babaeng kaharap namin. Nakita ko ang tuwa at excitement sa mukha nito ngunit.. anong meron?
"Ahh anak, siya nga pala si ninang mo Cynthia. Mare, anak ko, si Lara." pagpapakilala sa amin ni nanay. Nakalimutan na niyang sagutin ang tanong sa kaniya ng babaeng.
"Oh.. ikaw na ba si Lara? napaka ganda mo anak! manang mana ka sa nanay mo." sabi naman nito sa akin at hinimas pa ang baba ko. Ang sweet naman.
"N-Ninang ko siya nay?" tanong ko sa aking ina.
"Oo anak. Bata kapa kase noon kaya hindi mo siya matandaan. Nakita mo na siya doon sa picture nong pinabininyagan ka namin." ani nanay na nakangiti na rin.
"Sya po yung magandang karga karga ako noong maliit pa? " gulat kong tanong. Hindi ako makapaniwala.
"Oo, Lara ako iyon. Hindi ka parin nagbabago, ang cute mo parin hanggang ngayon." hinimas na naman nito ang baba ko.
Ang ganda talaga nya. Ilang taon na kaya siya?
"S'ya nga pala Cynthia, kelan kayonakauwi? akala ko doon kana talaga sa ibang bansa titira? " ani nanay.
Close ba talaga sila?
"Kahapon lang kami dumating. At saka ano kaba? ito parin ang lugar ko, hindi nagbabago iyon. Kasama ko nga pala si Zeth." anito na ngayon nakangiti sa aking ina na animo'y matagal na silang magkakilala. Baka nga?
"Ganon ba? babalik rin ba kayo agad sa ibang bansa?" tanong ni nanay.
Napalingon ulit ako kay nanay. Aba't parang dismayado pa ata nanay ko?
"Hindi na Marissa. Nandito ang busness ng anak ko at sakto naman na si Zeth muna ang mamamahala ng kompanya na iniwan ng panganay namin." mahabang paliwang ni ninang.
Nak's ninang... may ninang pala akong maganda at mayaman?
Pinagsasasabi netong isip ko?
May dumating naman na tricycle at pumarada sa harap ng mga gulay namin. Siguro ito na yung mag pipick up ng mga gulay.
"Oy lara, ito na ba?" sabi nong driver pagkababa.
"Opo mang Gilbert." sabi ko sabay turo sa mga nakasako na gulay.
Tumingin ako kila nanay. Nag uusap pa rin sila.
Nang mapatingin din si nanay sa akin napansin ko na naman na malungkot ang awra ng mukha nito.
Hay.. si nanay talaga.
Suminyas ako sa kaniya na ako ng bahala sa mga gulay at tumango naman ito kaya nginitian ko nalang.
"Lara, kamusta?" napalingon ako sa nagsalita.
Nakita ko naman si mang Gilbert na isinasakay na ang mga gulay sa dala nitong sasakyan. Tumingin ako ulit sa nagsalita. Si Bryan. Tamis ng ngiti ah?
"Oy Bryan, ikaw pala. Ok lang naman ako. Healthy parin naman sa mga gulay." nginitian ko rin ito. Pero hindi yung subrang tamis gaya ng ibinibigay niyang ngiti ngayon sa akin. "Ikaw, musta din?" balik kong tanong.
"Gaya mo healthy din." ngiti na naman. ngiting wagi!
Si Bryan ang anak ni mang Girlbert na kumukuha ng mga gulay namin. Matagal na namin silang sinusuplayan ng mga gulay at masasabi ko na mababait din ang pamilya ni Bryan.
Gwapo rin ito, masipag at matulungin. Nakadagdag pogi points din ang mahahaba niyang pilik mata, ang magkabilaang diples na subrang lalim pag ngumingiti.
Oh diba , sabi ko naman sa inyo na napakapogi nito kapag kumingiti kase dagdag pogi points ang dimples nito ni Bryan.
Yun nga lang. Friends lang naman siya sakin at hanggang doon lang yun. Ewan ko lang sa feelings niya kase diko masyadong binibigyan ng pansin.
"Ok na Lara, nakarga kona lahat." sabi ni mang Gilbert na ngayon ay nagbabayad na kay nanay. Sa wakas makakauwi na kami ni nanay.
"Mhm.. Lara." sinulyapan ko ulit si Bryan.
"Next time, pwede ba kita ayaing m-mamasyal?"
Sus! dipa makatingin ng diretso!
Loko loko tong utak ko eh. Walang bibig pero kung ano ano sinasabi sa bungo ko.
"Sige ba. Basta pag hindi ako busy ha?"
Nako, tuwang tuwa siguro ito ngayon.
"A-ahh o-ok! hehe.." sabi pa ni Bryan na kumakamot pa sa kanyang batok.
Anyari dito? nauutal pa? hahaha! di bale na nga! cute rin naman eh!
"Sige Lara mauuna na ako ha? bye!" paalam nito saka sumakay sa tricycle ni mang Gilbert.
Alam ko na may gusto sa akin si Bryan. Minsan narin kase nasabi sakin ni mang Gilbert na may lihim daw itong pagtingin sa akin.
Wala pa kase sa isip ko ang pag boboyfriend. Oo inaamin ko na nagagwapuhan ako sa mga lalaking may ipinamamalaking hitsura pero hindi pa talaga pumasok sa isip ko ang ang bagay na iyan.
Ang usapan kase namin ni nanay ay kapag naka graduate na si Lynda at makahanap ng magandang trabaho saka ko ipagpapatuloy ang pag aaral ko. Kaya wala pa akong panahon para sa mga ganyang relasyon. Kaya kung sakaling palarin ako na makahanap ng magandang trabaho, mag iipon talaga ako.
"Anak, halika." saglit akong natigilan. Lumingon ako at lumapit kila nanay. Nandito parin pala si ninang.
"Bakit po 'nay?" tanong ko ng makalapit na ako sa kanila. Nakangiti si ninang. Anong meron?
"Naghahanap pala ng sekretarya itong si ninang mo. Sabi ko baka pwede ikaw, nakapag college kana man at pwede raw kahit undergraduate anak!" tuwang tuwa na sabi ni nanay.
"Oo Lara. Total mag kumare naman kami nitong nanay mo eh hindi na ako mag aalangan na tanggapin ka. Nabanggit din ng nanay mo na naghahanap ka raw ng trabaho at sakto naman na nagkita kita tayo dito." nakangiting sabi ni ninang.
Aba! ang swerte nga naman lumalapit.
"Sige po ninang! malaking tulong po iyan sa amin. Pangako po pagbubutihin ko po ang pagtatrabaho ko." masayang sabi ko.
Tuwang tuwa ako. Parang hindi ako makapaniwala. Hindi narin ako mahihirapan maghanap kung saan saan. Ayos!
Hanggang sa makapag paalam na si ninang at naghihintay daw ang asawa nito, hindi narin kami nagtagal pa ni nanay sa palengke at umuwi rin kami kaagad.