Chapter 3

1019 Words
"Pasensya na po, Sir." sagot nalang ni Seiri, hindi alam ng dalaga kung kaya niya bang tagalan ang pagiging masungit ng amo. Pero isa lang ang alam niya. Gusto niya at kailangan niya ng maayos na trabaho para mabuhay. Masyadong malayo ang Maynila para makipag sapalaran, alam niya rin na mahal ang upa sa mga apartment roon. "Do your job!" naiiritang sagot ni Saint. Lihim na napaikot nalang ang mga mata ni Seiri sa inis. Nag uumpisa ng mawala ang paghanga niya rito. Napapalitan na iyon ng matinding inis. Sobrang sungit naman kasi nito na animo'y may dalaw. "Yes po!" sagot ni Seiri at bumalik sa trabaho. Simula noon, iniiwasan niya ng pansinin ang ka-guwapuhan ng Boss niya at nag focus nalang siya sa trabaho. Biyernes nang umaga nang mawalan ng balanse si Seiri sa hagdan habang pababa ito, katatapos niya lang kasing mag walis sa ikalawang palapag ng Mansion nang mahilo siya sa pagod at pinaghalong gutom kaya napasala ang kaniyang paa. Sakto namang pababa na si Saint noon at nakita niya ang sitwasyon. "Seiri!" sigaw ng binata at agad itong hinila papunta sa kaniya. Aksidente namang nag tama ang kanilang mga labi. Namilog ang mga mata ni Saint sa sobrang gulat at ganoon rin si Seiri na noo'y hilo pa. "S-Sorry.. Salamat rin, Sir sa pag ligtas." naiilang na saad ni Seiri habang nakayuko. Naiinis naman siyang binitawan ni Saint na may namumulang muka at tainga. Parehong naghaharumentado ang kanilang mga puso. "Buwisit! Ayaw mag iingat!" naiiritang sagot ng lalaki bago umuna sa pagbaba. Naiwan naman si Seiri na nakahawak sa kaniyang labi. Dumiretso naman si Saint sa kusina para kumain. Padaskol siyang naupo sa upuan at nag simulang kumain. Nakakailang subo palang siya nang maalala si Seiri. "S-Sir.." napalingon si Saint sa gilid niya at nakita ang babae. Sobrang iksi ng palda nito at napaka sexy lalo nito sa suot na uniporme. May pulahan itong labi at nakaka-akit na titig. Bahagyang napalunok si Saint dahil roon. "A-Anong kailangan mo?" nag aalangan niyang tanong. Hindi niya naman maiwasang matensyon sa presensya ni Seiri sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Sir..." pinakatitigan ni Seiri si Saint na puno ng pagnanasa. Kaya nakaramdam ng pagkailang ang binata. “Are you undressing me with your eyes?!” galit na tanong ni Saint sa naiinis na tono. Halos mag salubong na ang kilay nito roon. “Do you know what my favorite thing in the world is? The second word of this text.” sagot naman ni Seiri. Natigilan naman si Saint sa kaniyang narinig, kasabay ng malakas na t***k ng kaniyang puso. “Anong nakain mo bakit sobrang tamis yata ng lumalabas sa bibig mo?” aniya sa masungit na boses. “So, you find me sweet?” nang aakit na tanong naman ni Seiri. Tila lasing ang babae kung mag salita. Hindi naman ito mahilig mag ingles kaya napapaisip si Saint. Namula ang muka rin siya sa tanong na iyon ni Seiri. Tila nakaramdam na naman si Saint nang kakaibang pakiramdam. Tila nahuhumaling siya sa babae habang nakatitig rito. Mas lalo kasing gumaganda si Seiri kapag tinititigan ng matagal. Tila may mga bulaklak sa paligid nito sa kaniyang paningin. Bahagya pang nangingintab ang balat ng babae. “You're so hot, you make the equator look like the North Pole. Can’t wait for us to get on Santa’s naughty list tonight.” wala sa sariling sagot ni Saint. Umangat naman ang labi ni Seiri at nakakalokong ngumiti. “They say kissing is the language of love—wanna start a conversation?” tugon ni Seiri sa kaniya na may masayang ngiti. Marahan namang tumayo si Saint para sana takasan si Seiri dahil naakit na talaga siya rito at baka hindi na niya magawang pigilan ang sarili nang mabilis siya nitong hatakin at siilin ng mainit na halik. Wala sa sariling tumugon si Saint na may kaparehong intensidad. Halos magwala na naman ang puso nilang dalawa sa loob ng kanilang dibdib dahil doon. “I never knew what it was like to want someone this badly before meeting you.” bulong ni Saint sa malamyos na boses. “I love letting you see every last part of me..” tugon ni Seiri sa mapang akit na boses. Yumakap si Seiri sa katawan ni Saint kaya lalong nag init ang lalaki. Marahan namang ipinatong ni Seiri ang kaniyang baba sa balikat ni Saint. Kaya natigilan ang lalaki. “Let's stay like this for a while, Saint.” marahang tumango si Saint at nang mapakurap siya. Bigla siyang natauhan at nakita si Manang Lucia na kunot ang noo at tila nagtataka sa nangyayari sa kaniya. Napalingon si Saint sa paligid at hindi niya naman makita si Seiri. Doon niya lang napagtanto na para na siyang baliw na nag iimagine habang kumakain. Bahagya siyang umubo kaya agad na umalis si Manang Lucia para gawin ang trabaho. "Nababaliw na yata ako?" bulalas ni Saint habang nakatitig sa likod ni Manang Lucia hanggang sa nawala ito sa kaniyang paningin. Samantala, naiwan si Saint at nagpatuloy sa pagkain. Habang kumakain, lumapit si Seiri para mag lapag ng juice. Hindi naman siya pinapansin ni Saint sa pag aakalang nag iimagine na naman siya. "Sir, ito na po ang juice niyo.." saad ni Seiri. Tumango lang si Saint at tumalikod na ang babae. Makalipas ang ilang minuto natapos kumain si Saint at dumiretso na agad sa kompanya para mag trabaho. Umattend lang siya ng board meeting at nag survey sa Warehouse Department. Maaga siyang umuwi nang araw na iyon at nakita niya na naman si Seiri na nasa may Garden, sakto namang may ahas na papalapit rito kaya agad niyang hinila ang babae sa kamay paalis roon. "May ahas.." aniya sa mahinang boses. "Mang Tony! May nakapasok na ahas dito sa Hardin! Paki-huli at ibigay niyo sa animal welfare!" sigaw ni Saint sa hardinero nila. Agad namang tumango ang nasa kuwarenta'y anyos na Hardinero at inasikaso ang inuutos ng amo. Samantala, tumigil si Saint sa tapat ng entrance ng Mansion at binitawan ang kamay ni Seiri. Nagharumentado naman ang puso nang babae habang pinagmamasdan itong umalis. "Thank you, Sir.." aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD