Samantala, sinundo naman ni Seiri ang mga anak at saktong uwian na noon. Sinalubong siya nila Leo at Xerxes ng mahigpit na yakap. "Mommy!" nakangiting saad ni Leo. "Mommy? Anong meron?" tanong naman ng matalinong si Xerxes. "You feel it? Well, napatunayan kong hindi nga ako niloko ng Daddy niyo. Sorry mga anak. Sorry talaga.." naluluhang pahayag ni Seiri. Imbes na magalit ang kambal matamis na ngumiti ang mga ito. "Sasamahan na ba natin si Daddy sa Bahay niya?" tanong naman ni Leo. Kinakabahan ito dahil baka ayaw pa rin ng Mommy nila dahil may pagka-mapride nga ito. "Gusto na namin makasama si Daddy, Mommy.." deklara naman ni Xerxes. Lumamlam ang mga mata ni Seiri habang nakatitig sa mga anak. Napakatalino talaga ng mga ito kumpara sa normal na bata sa edad nila. "Okay.. Naroon na a

