Ramdam ni Seiri ang mainit na hininga ni Saint sa kaniyang balikat. Katatapos lamang siyang angkinin nito. Pareho silang kinakapos ng hininga. Bahagya pa siyang nakiliti nang marahang dumampi ang malambot na labi ng nobyo sa kaniyang balikat. "S-Saint.." "Hindi na ako nag tatampo, Seiri.. Namimiss ko lang talaga ang angkinin ka at halikan ka. Naadik na nga yata ako sayo kaya gusto kong lagi kang kasama at kayakap?" saad naman ni Saint. Napangiti naman si Seiri. "Aminadong natatakot ako na baka kapag laging ganito? Mag sawa ka na sa akin. Kadalasan, sa mga magkakarelasyon kaya nagkakahiwalay dahil sa sawa na ang lalaki." pag amin naman ni Seiri. Humarap sa kaniya si Saint at pinakatitigan siya sa mga mata. Bagama't lasing ito, hindi ito kagaya ng iba na wala sa wisyo. "Sila iyon, hindi

