Title; Maybe this time ( PART 29 " Ito ba ang gusto mong mangyari sa pamilya natin? Ang magkan-deletse letse ang buhay natin?" Naiiyak niyang tanong sa kanyang ama nahawa na siya sa iyak ng kanyang ina. " Jolo, anak nag mamakaawa ako, saiyo, kahit manlang para sa akin, you know me very well kung paano ko pinapahalagahan ang pangalan natin. Hindi ko iyon makakaya anak" halos mag talipasay ito sa pag-iiyak. Naintindihan niya ang kanyang ina. Alam niyang mapapahiya sila, kapag malaman na kumabit ang kanyang ama sa babae na halos kasing edad lang niya. At alam niya kung paano pinahalagahan ng kanyang ina ang kanilang pangalan. Ayaw na ayaw nitong ma eskandalo. Ngayon nangyari na ang pinakaayaw ng ina. " Makikipaghiwalay na ako sa ama mo" humihikbi nitong sabi. Nagulantang siya sa sinabi

