Maybe this time episode 14

1306 Words
Title; Maybe this time ( Part 14) Genre; Com “ Tol, saan ka pupunta?” agad niyang tanong kay Christian ng makita itong nag mamadali pumunta sasakyan nito. “ Saan pa, uuwi na. Sa sala na naman ako matutulog” “ Tagay pa tayo, diba may motto pa tayo?” tukso niya rito “ Loko! sayo na yang motto mo mag papalit na ako ng motto ko ngayon.” “ Ano naman yon?” curious niyang tanong “ Walang matigas na tinapay sa mainit na kape, si Aryana yon kape tol. Kaya uuwi na ako bala na kayo diyan” agad nito pinaandar ang sasakyan. “ Uuwi na rin ako” pukaw ni Sandy sa kanya naka tayo sa kanyang likuran. “ Bakit? pinauuwi kana ba?” “ Aantayin ko pa bang pauwiin ako? Edi malalagot ako noon” “ Kayo kasi, lalo lang lalaki ang ulo ng mga yan dahil pinapakita niyo sa kanila takot kayo” aniya rito namaywang. “ Naku, hindi mo kasi naintindihan. One day pag mag-aasawa kana you’ll understand. Kaya habang binata kapa mag pakasawa ka muna” tinapik nito ang kanyang balikat. Inakbayan siya ni Santi, “ kaya habang wala pang asawa mag saya muna tayo” “ Sundan natin ang dalawa” suhestiyon niya. Natatawang sumang-ayon si Santi. Sa di kalayuan natanaw nila si Christian, nasa ibabaw ng pader ng gate nito. Sa tantiya niya naghahanap ito kung saan pwedi itong makatalon na hindi mapipilayan medyo may kataasan ang pader. “ Ganyan talaga pag amasona ang asawa mo, nakakamot mo ang hindi makati” natatawang sabi ni Santi “ Kaya nga ako, pag mag aasawa ako, gusto ko yong ako ang susundin. Hindi yong ako ang susunod sa gusto niya” “ Katulong naman yang hinahanap mo, lahat susundin ang gusto mong e-utos” Natigilan sila ng nawala si Christian sa ibabaw ng pader. “ Nakatalon na nga ang damuho” anang Santi Ilang saglit ang lumipas lumabas si Christian mula sa gate. “ Abay, iba din ang triping nag abnormal na yan, tumalon pa eh dadaan din naman pala sa gate” Natawa sila ng makita si Aryana bitbit ang bag. Saka sinalpak sa tiyan ni Christian. Sumakas ito sa kotse. Sinundan nila ito. Natawa siyang makita si Christian tinungo nito ang daan papunta sa kanyang pad. “ Langya, magpapa ampon pa sakin eh” natatawa niyang sabi Bumaba sila sa kotse, para lapitan ito. “ Na ligaw ka?” “ Tol, dito muna ako sayo ha? Pinalayas ako ni Aryana eh” “ May magagawa paba ako” Magkasunod silang tatlong pumasok sa loob ng pad. Hindi makatulog si Arabella sa isipin ng makita ang dating nobyo at ang kanyang pinsan. “ Kailan kaya nagkakaroon ng relation ang dalawa? Pero bahala na sila, wala sa vocabularyo ko ang makipag away dahil lang sa isang lalaki. “ May bago naman ang crush” nakangiting pinikit ang mata. Maaga siyang gumising kinabukasan, hindi pa siya nakakahanap ng bagong malilipatan kaya kinailangan niyang umalis ng maaga dahil baka ma traffic siya at dahil na din siya rin ang may hawak ng susi ng coffee shop. Hindi pa niya tuluyan na buksan ang glass door ng may tumawag sa kanya. “ Arabella!” Nagulat siya ng malingunan si Sandoval nakatayo sa kanyang likuran “ Sir, Sandoval kayo po pala ang aga niyo po” “ Sandy nalang Arabels, wag na sir” nakangiti nitong tugon. “ Hirap mag coffee sa bahay, maaga nag bunganga ang radio samin” anitong sinuklay ng daliri ang buhok. Agad niyang binuksan ang pinto. Hindi pa sila tuluyan nakapasok ng marinig ang sasakyan huminto. Bumaba si Jolo kasunod si Christian. “ Ano kaya nangyayari sa mga ito, bakit ang aga nagpunta rito” takang taka siya lalo ng makita ang hitsura ni Christian ng pumasok sa loob. “ Sandy, ang aga mo rito, wag mong sabihin pinalayas ka ni Aby sa inyo?” kunot-noo tanong niya. “ May na evect bang naka atty ang pormahan?” natatawang sabi ni Santi “ Nag papaalam akong maaga pumasok sa office, parang mababasag na ang eardrum ko pag mag almusal pa ako sa amin eh, si Aby, nonstop ang bibig. Parang hindi napapagud sa kakabunganga sa akin, kagabi pa yon. Di nga ako tumabi ng tulog sa kanya para hindi mag bunganga. Kala ko tapos na nang makita ako kanina naku, nag sisimula nanaman” Sumbong nito “ Ma swerte ka pa dahil hindi ka natulad nito” sabay turo kay Christian. Naiiling si Arabella pinaghanda nangkape ang mga lalaki, maagang nag meeting tungkol sa asawa. “ Mabuti pa itong si Arabella mukhang mabait” anang Santi naka silip sa monitor “ Bakit hindi nalang si Arabella ang ligawan mo tol, wala pang sabit” reto ni Christian. “ Naku, ayaw kong magaya sa inyo” “ Kaya din naman nag da-dakdak yang mga babae, binigyan niyo kasi ng dahilan” pagtatangol ni Santi “ Ano ba naman yong dahilan na mag karoon ng happy happy paminsan minsan. Syempre bagong dating si Matt” katwiran ni Sandy “ Bakit hindi niyo kasi sinama ang mga asawa niyo, nang makipag inuman naman satin” ani Santi saka tumayo para puntahan si Arabella “ Aba, Arabella taray ng pa outfit mo ah” puna nito sa kanyang sout na tub na pang taas. Lalo lumitaw ang kanyang colar bone “ Naglilinis pa kasi ako, ayaw ko madumihan ang uniform ko” pangatwiran niya na ngumunguya ng chewing gum. “ Parang last week pa yang chewing gum mo, hindi paba na ubos ang lasa?” “ Saka bakit kaba panay nguya ng nguya niyan kahit maaga pa di kaba kinabag sa kakanguya?” Natatawa siya rito” bakit ba ako ang nakikita nitong baklang ito” sa kaloob looban niya Eksaktong alas 9 nang maglagay siya sa pinto ng sign” Open” Pumasok ang magandang babaeng costumer. Nakangiti itong lumapit sa kanya. Matapos nitong mag order ng coffee Americano umupo ito sa kalapit sa may pintuan. Napaigtad siya ng lapitan siya ni Jolo “ Arabel, baka pwedi mo ako ilakad sa babaeng iyan” bulong nitong tumingin sa babae kakaupo lang. “ Bakit, kailangan pa kita ilakad don kung pwedi naman kitang ilakad sa puso ko” nangingiti niyang bulong sa sarili. “ Ang landi landi mo Arabella!” hiyaw ng kanyang isipan hindi niya napigil ang mangiti. “ Arabels, bakit ka nangiti?”untag nito sa kanya. “ ah, eh, wala po. Ibig ba sasabihin magiging tulay niyo ako?” Nakangiting tumango si Jolo” mukhang magaling ka kasi sa mga diskartehan eh” “ Wow, magiging tulay ako ng crush ko” “ Sige po, susubukan ko po sir, pero kakaibiganin ko po muna sir. Para malaman natin kung ano ang gusto niya sa isang lalaki. Napangiti ito sa kanyang sinasabi. “ Kayo sir, ano po ba ang gusto niyo sa babae?” seriouso niyang tanong rito “Ahmm gusto ko yong, medyo maputi” Napatingin siya sa kanyang sarili. “ Pwedi pwedi may laban” sa kaloob looban niya. “ Mahaba ang buhok” Tinanggal niya ang tali ng kanyang buhok. “ Sexy” anitong nakatingin parin sa naka upong babae “ Medyo maypag ka pouty ang lips ng kunti” Nginunguso niya ang kanyang labi. “ Saka medyo malaki laki ng kunti ang hinaharap” Napatangin siya sa kanyang boobs “ Dios ko, bakit hindi ako nabibiyaan niyan” aniya rito “ kaya ibalik muna yang hairnet mo ayusin mo yang sarili mo at ilakad muna ako sa kanya” anitong nakatitig sa kanyang hitsura. “ Kaya nga po eh” aniyang muling tinali ang buhok. “ Langya, yong crush ko ginawa pa akong tulay sa crush niya. What a sad life” naiiling niyang sabi saka nag lakad para ihatid ang order ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD