Title; Maybe this time PART 37 Sinundo siya ni Aby sa coffee shop para puntahan ang nag iiyak na si Aryana. "Aryana naman, tama na yang kaiiyak mo" alo niya rito ng makarating sila sa bahay nito. Naka upo sila sa sofa " Hindiiiiiiii! ko matanggap ni loloko ako ni Christian" pag iiyak nito. " Hindi ko kakayanin to, magpapakamatay ako" Tumayo ito at mabilis naglakad papunta sa banyo. " Hoy, ano ba nasisiraan kana ba ng bait?" magkasunod sila ni Aby sinundan si Aryana. " Hindi ko kakayanin yon" sabay tuwad ni Aryana sa timba na puno ng tubig. " Gaga, magpapakamatay ka sa timba pa? Shutaka, don ka magpakamatay sa puno ng kamatis" nakairap niyang sabi rito. Hinila ni Aby si Aryana. " Ikaw lang ba niloloko hindi ba pati ako? Bakla nanga ang asawa ko nambabae pa" gigil na sabi ni Aby.

