Episode 8

1295 Words
Title; Maybe this time ( PART 8 Genre; Comedy Magkaharap silang apat na magkaibigan umupo sa loob ng kanilang coffee shop Nang mapansin niya ang mga tingin nina Aby at Aryana sa kanya naka upo sa kabilang table. “ Ano ang nangyari sa dalawang iyan? Parang halimaw kung makatingin” “ Naku, bahala kana sa dalawang iyan, malalagot ka talaga sa mga yan” tugon ni Sandoval “ Bakit, ba kayo takot sa mga yan ha?” aniya rito “ Kung gusto mo ng tahimik na buhay, sundin mo ang mga yan. Yang mga yan, hindi yan naglalaro n ML pero pag nag umpisa nang mga yan magbunganga, naku, unstoppable ang mga bibig” saad ni Christian “ Naku, ayan na ang dalawa palapit na” sabad ni Santi ng makita si Aby at Aryana palapit sa kanila inuupuan. “ Ikaw Jolo, ha ayusin mo yan. Pag si Arabella di mo tinatanggap naku, sinasabi ko sayo” anang Aby winawasiwas ang mga kamay. “ Makikita mo ang hinahanap mo, kaya ayusin mo yan Jolo” segunda ni Aryana Pinalipat lipat niya ang tingin niya sa dalawang babae. Paano nalang kaya maging ka groupo ang isang iyon, ano na mangyayari sa kanya. Mawawala na siya sa katinuan. “ Lubayan niyo akong dalawa” aniya rito “ Bakit ba gusto niyo si Arabella?” “ Para maging spy nila, syempre coffee shop to, edi maraming magagandang babae ang tatambay rito” tugon ni Santi “ Isa kapa Santi, saan kaba kampi huh?” anang Aby “ Syempre sa inyo, kayo kaya ang sis ko” “ Balimbing ka rin eh” anang Aryana “ Jolo, tanggapin muna si Arabella, bigyan mo siya ng isang linggo kapag hindi maganda ang performance niya, di ako na ang mag tatanggal sa kanya” ani Aby “ Titignan ko bukas, ano nga pala number niya para ma text ko bukas sabihin ko sa kanya kailangan niya makarating rito ng 1:pm” Agad naman binigay ni Aby ang number ni Arabella sa kanya. Agad siyang humiga sa kanyang kama ng maka uwi siya sa pad niya. Ang gaan nang kanyang pakiramdam na mayroon na siyang sariling negosyo na hindi na siya naka depindi sa ama. Palalaguin niya ito kapag kaawan sila ng Dios maging successful sila baka makapag patayo pa sila ng ibang branch sa iba’t ibang lugar. Maaga siyang gumising kinabukasan at nag punta sa coffee shop para maayos ang lahat para sa pagbubukas nila. Nagpunta sila ni Sandoval sa Mall dahil maykakatagpuin sila at bilhin ang ibang kulang para sa kanilang J.S.C coffee Napadaan sila sa section ng mga cologne nang matanaw ni Sandoval ang pamilyar na babae, panay spray ng cologne sa leeg nito. “ Jolo, diba si Arabella yan?” Napalingon siya sa tinuturo ni Sandy. “ Aba, malakas din ang trip ng babaeng ito ah, kaya pala iba ang amoy dahil kung ano ano palang cologne nilalagay sa katawan. Lahat na ata ng free testing hindi na pinalagpas” natatawa niyang sabi “Lapitan natin” ani Sandy “ Wag, na masasayang ang oras natin, pupunta din naman yan sa shop” aniya saka hinagud ng tingin si Arabella naka sout ng puting skirt lagpas tuhod ang haba saka puting spaghetti strap na pinatungan ng blazer na itim. “ Okay na yan para sa interview” aniya sasarili saka nag tuloy sa kanilang pupuntahan ni Sandy. Tinignan ni Arabella ang orasan nasa kanyang bisig 12;30 na minabuti niyang umalis ng mall para magpunta sa J.S.C Sabi nang nagtext sa kanya” Be there at 1;pm sa J.S.C Matapos niyang ma sprayhan ang leeg ng hawak niyang cologne ay agad niya itong nilapag sa pinaglagyan nito “mabuti nalang laging may free testing ang mall nakakalibre ako ng pabango”aniya sasarili. Saka nagmamadaling lumabas ng mall at tinungo ang J.S.C Andon na siya sa loob, ngunit wala pa si Jolo. Ilang saglit siyang nag-antay hanggang sa sumapiy ang ala una ng hapon. Ilang minuto ang lumipas na tanaw niyang bumaba si Jolo sa sakyan nakaparada sa tapat ng pintuan ng shop. Umikot ito sa likuran ng bahagi ng sasakyan. At mula roon kinuha nito ang mga pinamili. At binitbit papasok ng shop. Mabilis siyang tumayo saka binuksan niya ang glass door. Para hindi ito mahirapan pumasok lalo occupied ang dalawa nitong kamay sa pinamili. “ Arabel, kanina kapa?” anang Sandy ng makalapit sa kanya “ Hindi naman” “ Pasensiya kana ha, natagalan kami, yong kausap kasi namin, matagal dumating” paliwanag ni Sandoval “ Okay lang po, hindi naman po ako nag mamadali” aniya rito saka ngumiti. Nagtuloy lang si Jolo sa loob saka pumasok ito sa maliit na kwarto na ginawa nitong opisina. “ Dito kalang muna Arabel ha, aayusin lang muna namin to tapos kakausapin kana ni Jolo” paalam sa kanya ni Sandoval Ilang saglit pa ang kanyang hinintay ng tawagin siya ni Jolo. “ Magandang hapon po sir” bati niya rito naka cross legs itong umupo sa swavil chair nito. “ Jol, balik na ako sa office, ikaw na bahala rito” putol sa kanila ni Sandoval sa pag-uusap “ Sige Sandy, salamat” “ Good luck Arabella” baling nito sa kanya bago tuluyan lumabas ng office. Inabot niya ang dala niyang envelope na may lamang mga requirments. Agad itong kinuha ni Jolo saka binasa ang resume niya. Matapos nitong mabasa nilapag ito sa mesa. Kinabahan siya ng tignan siya nito. “ Do you have id?” Napakunot-noo siya” Andiyan na ang resume ko bakit pa siya nag hahanap ng id, lakas ng triping ng lalaking ‘to” kinuha niya ang id niya mula sa kanyang maliit na wallet at inabot rito” Bakit niyo pa po kailangan ng id, hindi pa po ba sapat ang original kung mukha” aniya saka tinapat ang kanang likod ng palad niya sa baba niya. “ Diba mas maganda tong original na mukhang to kaysa id na yan?” “ Ano ba tinitira mo miss Castro?” hindi mapigil nitong tanong. “ Sir, naman hindi na mabiro” seriouso niyang saad rito. Sumeryuso ng mukha si Jolo, inisip niya ang pakiusap ni Aby, baka ayaw lang ni Aby mapahiya dahil kabaryo nito si Arabella. “ Well, base sa resume mo nabasa ko, you’re a good worker. Hindi kuna papatagalin pa ito. Makakapag simula kana bukas” aniya rito “ Wala pa ang uniform na pinapagawa namin, please mag sout ka muna ng black pants at puting pang itaas” aniya rito. “ Sir, maraming salamat po talaga sa pagtanggap niyo po sa akin, hayaan niyo po pagbubutihan ko po ang trabaho ko po rito” masaya nitong sabi. “ Sige, iyan lang muna sa ngayon. Pwedi kana maka uwi” Nakita niya ang saya ni Arabella sa mukha nito. Ayon sa nalamang niya mabait na anak at masipag naman daw ito sa trabaho. Naala niya ang size ng tshirt nito “ Miss Castro” tawag niya ng matapat si Arabella sa pintuan. “ ano nga pala ang size mo?” aniya ng humarap ito sa kanya. Saglit itong natigilan pagkuwan ay ngumiti ito. Vital statistic ko po ba sir? uhmmm.... 34” anitong humawak sa didbib. 24” sabay hawak sa baywang And 33” humawak sa hips. Napakamot siya sa ulo natatawa” Ang sexy naman ng sinabi nito samantalang heto siya sa harap ko, halos wala nangang makapitan ang bra niya sa subrang liit ng hinaharap” “ Ang size ng blouse mo ang tinanong ko, Small kaba medium or large?” aniya hindi mapigil ang mapangiti. Napahiya naman si Arabella sa pag discribe sa sarili. “ Sir naman kasi, hindi mo klinaro ang tanong mo. Small po ako” aniyang natatawa sasarili
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD