Maybe this time Episode 6

1517 Words
Title: Maybe this time ( PART 6) Namasukan si Arabella sa isang pabrika ng mga damit sa maynila. Naiwan niya ang kanyang mga magulang sa probinsiya nila, isang beses lang sa isang buwan siya umuwi sa kanila minsan hindi na siya umuwi kapag tinatamad siya, pinapadala nalang niya ang kanyang sahod para sa inay niya. Umupa siya ng maliit na kwarto hindi kalayuan sa kanyang tinatrabahoan para hindi na siya mamasahi nilalakad niya lang ito, nasa walong minuto lang ang layo nito kapag nilalakad. Wala siyang pasok ngayon dahil day off niya naisipan niyang magpunta ng book store. Hindi pa siya tuluyan nakapasok ng books store ng maisipan niyang mag coffee muna. Nasa tabi lang nito ang coffee shop. Abala sa pag-iisip si Jolo habang hinintay ang kanyang order" Mr, Jolo sir heto na po ang coffee niyo" pukaw sa kanya ng babae nasa likod ng counter. Tumayo siya saka kinuha roon ang kanyang order, minabuti niyang bitbitin nalang ito pauwi sa kanila. Nasa may pintuan na siya ng may umagaw sa kanyang attention sa kabilang table. Naghaharutan ang mga ito. Sa tantiya niya pareho itong nasa seventeen " Mga kabataan talaga oh" aniya tinongga ang cafe latte. Saka lumingon sa pinto para buksan ito ngunit naitulak na ito ng babaeng papasok. "Ang init, ang init!" aniya panay pagpag sa kanyang dibdb natilapunan ng kape. Balisa naman ang babae tinulungan siyang punasan ng hawak nitong panyo, ang kanyang dibdib. ng hindi sinadya mapunta ang palad nito sa ibabang bahagi niya. " Excuse me, free to look but not to touch" aniya ng maramdaman ang palad nito sa harapan ng sout niyang pantalon. Saka mabilis niyang tinabig ang kamay nito Napa-angat ito ng tingin sa kanya. " Ikaw?" aniya namilog ang mata ng mamukhaan ang babaeng bumundol sa kanya. Ito man ay nagulat ng mapagsino siya" Naku, pasensiya na Jolo, hindi ko talaga sinasadya" ani Arabella na pinagpatuloy ang pagpunas sa nabasang damit ni Jolo. " Pagpagin natin ang itlog, baka naluto na iyan sa subrang init ng kape" anito Napakunot noo siya sa sinabi nito" What did you say?" Natigilan si Arabella" Ah, eh, sabi ko punasan natin baka maluto nayang dibdib mo sa init ng cafe" saka pinagpatuloy ang pagpunas nito sa kanya " Wag na, ako na. Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo" inis niyang tinalikuran ito " Sorry na hindi ko naman sinasadya" Pahabol na sigaw ni Arabella ngunit hindi na ito lumingon sa kanya. " Ang laki noon, parang busog na busog" hiyaw niya sa isipan habang sinundan ng tanaw ang papalayong si Jolo. " Maypa free to look but, not to touch pa siya, e na touch kuna nga. Ang bango pa niya kaya lang suplado naman" aniya saka humakbang papunta sa counter Hindi ma epinta ang mukha ni Jolo . " Napaka tanga na babae, hindi man lang tumingin sa daraanan niya, na paso tuloy ako" ngatngat niya nang makasakay sa kanyang kotse. Napadako ang kanyang paningin sa sasakyan nasa kanyang unahan may nakasulat sa likuran nito." Buy me" Pansamatalang nawala sa isip niya ang nangyari eksina kanina. Pumasok sa kanyang isipan ang idea ibenta niya ang kanyang black honda city. Para may puhunan siya sa kanilang bagong negosyo. Nagmamadali siyang umuwi sa kanyang pad saka, kinunan niya ng picture ang kanyang, sasakyan saka, pinost niya ito sa online at tinawagan niya ang kanyang mga kakilala. Nakaramdam siya ng panghihinayang para rito, pero kailangang kailangan niya ng pera. Aanhin niya ang sasakyan kung magugutom naman siya." Makakabili din ako ulit nito pag, magiging maayos ang aming negosyo" pampalakas loob niya Hindi naman siya na bigo ng tawagan niya ang kanyang kaibigan. Agad siya nitong pinuntahan para tignan ang kanyang sasakyan. " Good condation pa iyan tol" aniya rito " Bakit mo ito pinagbenta? Di ba bago palang to sayo?" " Kailangang kailangan ko lang kasi" aniya rito " Sige, kukunin kuna to" Tuwang tuwa siya na walang kahirap hirap na naibenta niya ito. Kahit ngayon palang subrang na mimiss niya ito pero hindi na niya ininda. Kailangan niyang may income sa pang-araw-araw at maipakita sa kanyang ama na kaya niyang tumayo sa sarili niya. Agad niyang pinuntahan si Christian sa bahay nito. " Tol, maypang ambag na ako" aniya rito ng makapasok siya sa loob ng bahay nito " Balita konga pinagbili mo pala ang sasakyan mo" anito umupo sa sofa " Sayang naman sasakyan mo" sabad ni Aryana " Ayos lang yon makabili rin ako ulit" aniya " Sabagay, ang mahalaga ngayon ay may sarili na tayong negosyo" anang Christian. " Si Sandy darating ba yon?" aniya " Sabi ni Aby papunta na daw sila" tugon ni Aryana. Narinig nila ang bosena sa labas ng gate. " Sila na siguro yan" anang Christian " Ano ang sinasakyan mo papunta rito?" agad na tanong ni Sandoval sa kanya ng hindi nito makita ang kanyang sasakyan sa labas " Naibenta kuna, para may pang ambag ako, sa bago nating negosyo" masigla niyang sabi rito " Ano ang magiging pangalan niyo sa itatayo niyong coffeeshop?" curious na tanong ni Aby. Saglit silang natahimik pagkuwan ay" J.S.C" anang Sandoval " Okay na rin" tugon niya rito. " Kailangan natin nang tauhan" anang Christian " Sige mag tatanong ako sa mga kakilala ko" saad ni Aryana " Ako rin, mag tatanong din ako" ani Aby Excited sila pareho sa kanilang bagong itatayong negosyo. Hinatid siya ni Sandoval sa kanyang pad. " Baka may kunting pera kapa riyan, bumili kana lang kaya ng motorbike para madali saiyo ang transfo mo" suhestiyon ni Sandoval habang tinahak nila ang daan papunta sa pad niya. " Kung maykulang papahiramin nalang kita. Bayaran mo nalang kapag maka luwagluwag kana" anito sa kanya. Napangiti siya sa alok nito, tama naman ito, magastos mag taxi araw-araw. Nakahanap sila ng magadang pwesto para sa kanilang J.S.C coffee. Dahil contractor ang hinawakan ni Sandoval, mabilis nilang naipatayo ang kanilang J.S. C coffee Halos hindi maipinta ang mukha ni Arabella lumabas ng kumpyang kanyang pinapasukan. Kakasabi lang ng may-ari na magsasara na ito dahil sa hindi ito naka pagrenew ng permit kaya napilitan ang kumpanyang magsara. Palugi ng palugi narin daw ang negosyo kaya hinayaan na ng may-ari wag mag renew." Paano kaming mga trabahante na biglaan ang pagkawala ng trabaho" nagngi-ngit ang kanyang ka looban. Napaigtad siya sa bigla ng tumunog ang kanyang celphone. Napangiti siya ng makita ang number ni Aby sa screen ng kanyang celphone. Ininvita siya nito sa kakabukas lang na coffee shop. " Aba ang taray nitong coffee shop niyo ah, maypa wifi pa kayo" bulalas ni Santi " Syempre, para makapag chat ka sa papang mo" aniya rito Abala silang magkaibigan sa kaka entertain ng kanilang bisita, pinapa blessingan nila ang kakabukas lang na J.S.C coffee hindi niya inasahan makikita si Arabella Sa dinadami ng inisip niya lately ngayon, lang ulit sumagi sa isipan niya ang ginawa nito ng huli silang magkita. " Hinipuan ako nitong bruha nato" aniyang nakatingin rito, kausap si Aby. " Guys, may sasabihin ako sa inyo' anang Aby nakatayo sa kanyang harapan na hawak kamay pa nito si Arabella. " Nagsasara daw ang kumpanyang pinasukan ni Arabella dahil sa hindi ito nakapag renew, sakto din naman naghahanap kayo diba?" anito " Aby, wag idaan sa palakasan ng kapit, kailangan dumaan muna siya ng interview" pambara niya kay Aby " Oo nga naman" anang dalawang si Sandoval at Christian. " Galingan mo ang sagot Arabel ha? Para ikaw ang maging spy namin kapag nandito ang mga yan" bulong ni Aryana sa kanya. " Andito naman lang siya, interviewhin niyo na, to follow nalang requirments niya. Malay mo bagsak si Arabel sa interview di magsasayang lang siya sa pagkukuha ng mga requirments" sabad ni Santi sa kanila " Agree ako sayo mamang" anang Aryana Hinila ni Santi si Arabella paupo sa silya. Sumunod ang tatlong lalaki sa kanila " Ikaw na mag tanong Jolo" anang Sandy " Okay" tugon ni Jolo saka huminga ng malalim " Single kapa ba?" natatawang sabad ni Santi "Ano ba Santi" saway niya rito " Serious nga kayo" " Bakit ka namin tanggapin sa trabahong ito?" anang Jolo " Dahil nangangailangan kayo ng trabahante, bakit pa kayo hahanap ng iba kung andito naman ako sa harapan niyo" tugon ni Arabella Pumapalakpak sina Aryana at Aby sa kanyang sagot " Gusto ko yan" ani Santi " 100 - 5=? tanong ni Santi Nginitian niya ito pagkuwan ay " Wala pong sukli" kampanti niyang sagot Napa kunot-noo ang mga itong tumingin sa kanya. " Arabel, naman!" magkasabay na bigkas ni Aryana at Aby natutup pa nito ang noo dismayado sa kanyang sagot. " Paano walang sukli? Hindi ba uso ang math sa inyo?" anang Santi " Wala pong sukli kasi, nagpapabarya lang naman po ang mga iyan eh" tugon niya rito " Tama! Tama din naman talaga, lalo pa sa umaga dios, ko haloa simutin ang barya mo. Lalo na yang mga nanay nagpapabarya lang mga yan para maypang baon sa mga anak" sigunda ni Aby " Ano, pasok naba si Arebella?" magkasabay na tanong ni Aby at Aryana sa kanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD