AWANG ang mga labi na lumipad ang paningin ni Khiane kay Jane. Ayaw niya sanang makita ang pag-iyak nito dahil may mumunting mga karayom na tumutusok sa puso niya. Subalit nang sabihin nito ang huling linya na iyon ay tila gusto niyang malaman kung nagbibiro ba ito o ano. She turned her gaze away. Nakagat nito ang pang-ibabang labi. “Jane? Are... are you k-kidding?” aniya kahit alam niya’ng hindi iyon ang panahon para magbiro ito. Tumingin ito’ng muli sa kanya. “Tutulungan mo pa rin ba ako, Khiane?” Sinusubukan ba siya nito? Pinilit niyang ngumiti. “A-alam mo namang tutulungan kita kahit hindi mo sabihin ang birong iyan.” “Totoo ang sinabi ko. Si Constantino mismo ang nagsabi sa akin nito.” Hindi siya nakapagsalita. Ramdam niya ang pagguhit ng patalim na iyon sa dibdib. Napatitig lam

