“YOU shouldn’t be in here, Dennis.” Napalingon siya sa kapapasok na si Leidi. Pagkuwa’y muling itinuon ang paningin sa hawak na alak. Nilagok niya iyon. Dinig niya ang paglapit sa kanya nito. Naupo ito sa stool na katabi niya. “‘Want some?” Inalok niya ito ng iniinom. “No, thanks, son. I’m just here beacause I’m worried about you. You’ve been miserable since Jane had an accident.” “It’s my fault.” Pinagsalikop niya ang mga kamay sa baso. Habang nakatitig sa likidong naroon ay hindi maiwasang bumalik sa kanya ang pangyayaring iyon. He saw that car when it hit Jane. He saw her lying half dead with her blood all over her. Kasalanan niya kung bakit ito tumakbo ng walang direksyon. He hurt her. He knew, hindi sapat na dahilan kung sasabihin niyang lalaki lang siya nang pagtaksilan niya i

