PINARA ni Ronah ang paparating na taxi. May biglaang meeting siya ngayon sa kumpanya ng isa sa mga kliyente ng Lee Group of Companies. Siya ang pinadala doon ng management nila. Ang makakasama niyang junior executive ay nauna na roon. Pumasok siya sa taxi nang huminto iyon sa tapat niya. Sinabi niya sa driver ang pupuntahan niya. Tumango lamang ang driver na hindi niya makita ng maayos ang mukha dahil sa sombrero nito. Nagkibit-balikat siya. Hindi mahalaga ang itsura ng driver na ito. Ang mahalaga ay ang makarating siya kaagad sa meeting. Ilang minuto na lamang kasi at mag-i-start na iyon. Kung bakit ba naman kasi tutukan na ng sabihin ng head nila ang meeting na ito. Hinagilap niya ang cellphone. May ilang unread text message na naroon. Isa-isa niya

