NAGMAMADALI si Mary sa paglabas ng kumpanya. Paglabas ng elevator ay saka niya pa lang naalala kung dala nga ba niya ang mga films niya. Medyo may pagkamakakalimutin kasi siya. Mabuti na lang habang maaga ay naalala niya iyon. Papunta siya ngayon sa isang photo shoot para sa kalendaryo ng Lee Group of Companies. Medyo gahol na nga siya sa oras dahil ipinatawag pa siya ng isa sa mga boss na si Hanna para kwestyunin ang ilang shots na ipinasa niya. Habang naghahalughog siya sa bag ay may bumangga sa kanya. Muntik na tuloy niyang mabitawan ang shoulder bag. Bahagya siyang nainis. Ngunit dagling nawala ang pagkairita nang makita ang CEO ng kumpanya na nagmamadaling nagtungo sa exit. Si Jane Lee. Walang lingon-likod na nagmamadali itong naglakad palabas. Wala pang ilang minuto ay sumunod na

