CHAPTER SEVEN

939 Words
“TELL me more about yourself.” Lumipad ang paningin ni Jane sa nagmamanehong si Khiane. Kalalabas lang nila sa kumpanya. “You already knew who I am.” Sinulyapan siya nito. “You said, gusto mong malaman kung sino ang... ang sumagasa sa iyo. So I need to know more about you. Kung sino ang mga nakakasalamuha mo, ang nakapalibot sa ‘yo, at your home or outside... Anything like that. Malay mo isa sa mga iyon ang suspect.” Napaisip naman siya. “I... I don’t know. They seemed so nice to me kaya mahirap mambintang.” Sinabi niya muna dito ang mga kasama niya sa bahay. “My dad, my aunts, Tita Mickey and Tita Norhata, and Hanna…” Pati limang katulong at dalawang driver ay sinabi niya. “All of them treated me like a family. Dahil maagang namatay ang mommy ko, sina Tita Mickey at Tita Nor ang nagbigay sa akin ng pag-aaruga at pagmamahal gaya ng isang ina. And Hanna treated me like her own sister. Hindi ko sila pwedeng pagbintangan.” “Kahit sino pwedeng maging suspect, Jane. Hindi excuse kung gaano kaganda ang trato nila sa ‘yo.” “But they had no reason to kill me.” Naalala niya ang inilabas na files ni Hans kanina pati na ang sinabi nito. “No reason, huh? Bakit ka nadisgrasya kung ganoon? Bakit may nanadyang bungguin ka kung wala silang rason?” “I’m not a bad person.” “I’m not saying that you are.” Hindi na lamang niya pinatulan ang sinabi nito. “Kaninang nasa office ako ni Hans, may inilabas siyang files. One is my father’s, another two were someone named Mark Baluarte and Jay Mangundarat. It’s a profile of that three.” “Baka empleyado ng company niyo ang—” “No,  they’re not. Kung empleyado sina Mark Baluarte at Jay Mangundarat, pamilyar sa akin ang mga pangalan nila. But I just knew them in their face.” “Kilala mo sila?” “Nakita ko si Mark Baluarte noon na kausap ng daddy ko. And Jay Mangundarat, nakita ko siyang kasama ni Tita Mickey.” Napatangu-tango ito. “So, bakit may hawak na ganoon si Sir Hans?” “I don’t know.” Kinabig nito ang manibela sa tapat ng isang antique shop. Hinarap siya nito. “We should know. Malay natin, si Sir Hans ang nakasakay sa kotseng... well, bumangga sa iyo.” Natahimik siya. Iyon din ang iniisip niya. “But we should investigate more,” ani Khiane. Bumaba na ito ng kotse. Sinundan niya ito. “Paano?” “We’ll discuss it later.” "Ano nga palang gagawin natin sa antique shop na ‘yan? Antique collector ka?” kunot-noong tanong niya habang nakatingin sa kaharap na establisyemento. “Hindi. Hahanap lang tayo nang pwedeng makatulong sa atin.” Nagpauna na ito sa pagpasok sa shop. Isang lalaki ang naabutan nilang nakaupo sa likod ng counter at may kung ano’ng binabasa. “Sam.” Nag-angat ng paningin ang lalaki. Dumiretso iyon sa kanya. Pero ibinaling din kaagad ang paningin kay Khiane. Napakunot-noo siya. “O, Khiane! Long time no see! Ngayon ka lang yata dumalaw sa shop ko?” Tumayo ito sa upuan at nakipagbungguan ng kamao sa lalaki. “May problema ako, `tol.” “Nakikita ko ngang malaki ang problema mo.” At ibinaling ulit ang paningin sa kanya. Nabigla siya. Napatingin kay Khiane. “Nakikita niya ba ako?” “Bukas ang third eye niya.” Namamanghang tumingin siyang muli sa lalaki. “Siya si Sam. Ang kaibigan kong nakakakita ng multo ayon sa kanya.” “So, you now believe me that there is a ghost, huh,” tudyo nito sa kasama. “Yeah, right. Naniniwala na rin ako na psychic ka.” “Good to hear.” “Teka, paano niya tayo matutulungan?” baling niya kay Khiane. Teka, ipapasa ba siya ni Khiane sa lalaking ito? May pagrerebelde siyang naramdaman. Ngunit bago pa siya makapagprotesta ay nagsalita si Sam. “Ayaw ng kaibigan mong ipamigay mo siya sa akin, `tol. Paano ba ‘yan?” tatawa-tawang sabi nito. Paano nito nalaman ang tumatakbo sa utak niya? Sumulyap sa kanya si Khiane. “Hindi ko naman siya ipapamigay sa ‘yo." Nakahinga siya ng maluwag. “Okay, ano’ng maitutulong ko sa inyo?” “Siya si Jane Lee. May-ari ng kumpanyang pinapasukan ko…” “Na naaksidente noong nakaraang tatlong linggo. Napanood ko sa t.v., `tol.” Napabuntong-hininga si Khiane. “So, iyon nga. Baka pwede mo kaming tulungan na malaman ang taong gustong pumatay kay Jane?” “Whoa, `tol. Hindi ako manghuhula at mas lalong hindi ako pulis. I maybe a psychic pero wala sa ability ko ang tingnan ang nangyari sa kanya.” Napakunot-noo si Khiane. “Akala ko, you know everything?” “Hindi ako Diyos, pare. May limitations din ang kakayahan ko. I’m sorry but I can’t help you in that matter.” “Wala ka ba talagang maiitulong? Kahit hint lang sa nagtatangka sa buhay ko?” agaw niya sa pansin nito. Umiling lang ito. “Pero mapapayuhan ko naman kayo.” Hinintay nila ang sasabihin nito. “I-enjoy niyo na lang nang husto kung ano man ang meron kayo ngayon.” Muntik nang mahulog ang panga nila. “Ano’ng klaseng payo iyan?” lukot ang mukhang sabi ni Khiane. “Oo nga naman?” Ngumiti lang ng makahulugan ang lalaki.   “KINAKABAHAN ako sa sinabi ng kaibigan mong psychic,” aniya sa lalaking kaagapay. Pagkagaling sa antique shop ay pumunta sila sa Saint James Medical Hospital. Inihinto ni Khiane sa tapat ng naturang ospital. “Weird talaga iyon. Huwag na lang nating pansinin.” Bumaba na ito ng kotse. Sumunod siya dito. “Paano natin malalaman kung diyan nga dinala ang katawan ko?” “Magtatanong tayo.” “Gano’n lang kasimple? Hindi kaya mapagkamalang ikaw ang may balak pumatay sa akin?” “Watch me.” He winked at her. Nagpauna ito sa paglakad. Dumiretso ito sa information section. Napatingin dito ang nurse na naroon. Kitang-kita niya ang pagkatulala ng babae. Khiane flashed his mouth-watering smile. “Hi, miss! Can I ask a question?” Dagling namula ang pisngi nang matauhan ito. Parang gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Para itong nakakita ng isang napakagandang tanawin. “O-of course, what is it?” Itinabi nito ang ginagawa at pinagtuunan ng pansin ang binata. “Bakit ang ganda mo?” sabay kindat sa nurse. Hindi niya na napigilan ang pagtawa. Lalo na nang magkulay makopa ang mukha ng babae. “Huwag mo naman ako’ng bolahin ng ganyan.” Habang nakikipagbolahan si Khiane sa nurse ay iginala niya ang paningin sa kabuuan ng ospital. Hanggang sa mapatutok ang paningin niya sa isang partikular na babaeng naglalakad palabas ng ospital. “Tita Ren?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD