Journey 22 ❤ Hapon na nang makauwi si Euphemia sa bahay nila. Natraffic kasi siya at medyo nahirapan siyang makakuha ng taxi. Pagpasok niya sa loob ng bahay ay ang nakakabinging boses agad ni Annie ang bumungad sa kaniya. Nagsisisigaw ito at nagtititili. "Anoooooo baaaaa! Tumigil ka ngang Ulap kaaaa! I hateeeee youuuu!" "Wag ka ngang maingay. Natutulog si Manang Lusiya!" Boses naman ng anak niya ang narinig niya pagkatapos nang nakabibinging tili ni Annie. Naglakad siya ng dahan dahan patungo sa kusina dahil doon nanggagaling ang mga sigawan mula sa mga bata. "Ang kulit mo kasi eh!" Iritang sigaw ni Annie. "Wag ka nga kasing maingay! Pwede ba? Just for once, itikom mo yang bibig mo! Nakakairita!" Iritadong boses naman ng anak niya. Nangunot ang noo niya. Ano na naman ba

