Journey 20 ❤ (EUPHEMIA's) "Mom! But mo naman isinama yang bubwit na yan dito!" Kunot noong tanong ng anak ko sakin. Narinig naman ito ng batang babae. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa couch na andito sa loob ng office ni Lelouch. "Pake mo ba? Gusto kong sumama eh!" Singhal nito sa anak ko. Tinitigan naman ito ng masama ni Cloud. "Ikaw ba kausap ko? Are you my mom?" Inis na sabe nito. Umismid naman si Annie at umupo na lang ulit sa couch. Muling tumingin sakin ang anak ko. I just smile at him and shrugged my shoulders. Napa-pout naman ang anak ko at umiwas ng tingin. Napadako ang tingin niya sa batang babae na nakasimangot na nakaupo sa couch at may munting ngiti ang sumilay sa mukha ng anak ko. Oh my God! Kinikilig na naman ako sa dalawang ito! Kanina pa kami duma

