Nakarating si Ponseano sa Condo nila Sean at Penelope. Naiwan ni Penelope na naka awang ang pinto ng Condo nang hindi sinasadya. Tanaw niya na nandun si Sean sa sofa at naka higa. Binuksan niya ang pintuan at sinarado ito. Lumapit siya sa Kuya Sean niya. Kinalabit ito upang gisingin, ngunit hindi ito magising gising sa pagkakatulog. Lasing na lasing at amoy na amoy ang ininom nitong alak. Umungol ito at binibigkas ang pangalan ni Penelope. “ Penelope-e… h-huwag mokong i-iwan.” ungol ni Sean habang inaangat nito ang mga kamay na walang lakas sa sobrang kalasingan. At saka ibinaksak ang mga kamay at nag hilik sa pagkakatulog. Walang nagawa si Ponseano, kumuha ito ng isang basong malamig na tubig sa ref. At saka ito binuhusan sa mukha upang mahimasmasan ang kanyang kuya Sean. Wala na siyang

