Kinabukasan ng madaling araw ay nag si pag gayak na sila at nag punta sa lupa na pataniman. Nag dala sila ng mga kagamitan na pang bungkal at pag didilig. Malapit sa sapa Ang kanilang lupang tataniman kaya Hindi mahirap mag kuha ng tubig para sa tanim. Nag dala din sila ng mga binhi na nabili nila sa Manila Bago pa sila pumunta dito sa Probinsya. At Ang iba Naman ay mga nabili din nila sa kanilang kapitbahay na nag tatanim din at nag iimbak ng mga sariling binhi. Pagdating nila sa pataniman, dama agad ang lamig ng simoy ng hangin at ang bango ng damuhang basa pa ng hamog. Ang sinag ng araw ay unti-unti nang sumisilip sa silangan, at sa di kalayuan ay maririnig ang pag-agos ng sapa, kasabay ng huni ng mga ibon. Napakaperpektong araw para magsimula ng bagong proyekto. “Ang ganda talaga n

