Habang abala ang lahat sa kani-kanilang tungkulin, ramdam ang tensyon at excitement sa likod ng entablado. Nagsasayaw ang mga ilaw sa buong venue habang pinaplastar ang bawat detalyeng teknikal. Sa gitna ng mga tao, tahimik lang si Sean, hawak-hawak ang maliit ngunit makintab na kahon sa bulsa ng kanyang suit. Pigil ang kaba, ngunit buo ang loob. Si Penelope naman ay nasa dressing room, pinaplastar ang kanyang make-up habang pinapakinggan ang mga huling paalala ng kanyang stylist. Sa likod ng kanyang mga mata ay halatang puno siya ng emosyon, hindi lang dahil sa concert na ito, kundi sa kabuuan ng kanyang pinagdadaanan. Ito ang kanyang pagbabalik sa entablado, ang unang malaking pagtatanghal mula nang tanggapin niya ang sarili at buksan ang puso sa bagong pag-ibig. “Miss Penelope, ready

