“ Ahhhh! Aray koooo!!! “ pabiling -biling na sigaw ni Carla sa kanyang higaan. Tila binabangungut siya sa kanyang panaginip. Niyugyog siya nang gising ni Sean nang makapasok sa kuwarto ni Carla. Pawisan na nagising si Carla kahit malakas ang aircon sa kanyang room. Takot na takot ito at napayakap ito kay Sean. Luhaan. “ Tahan na Mahal. Mamaya bibiyahe na tayo papuntang province. Doon makakapag bakasyon ka sa mga tao na nakakakilala sayo dito sa Manila. “ hinihimas himas ni Sean ang likod nito. Gustong halikan ni Carla si Sean pero parang umiiwas na ito. “ Matulog na tayo Mahal. Madaling araw pa lang ngayon. Mamaya ay mahaba ang ating e-bibiyahe papunta sa pupuntahan natin. “ wika nito na kinumutan si Carla at tumalikod na. Nilapat ang pinto upang isarado. Napahagulgol nanaman si Carla s

